Thirty Second

3.2K 106 3
                                    

"Good morning!" Sa pagbukas ng mata ko siya agad ang unang bumungad sa harapan ko. Ngiting-ngiti siya sa harapan ko.

Sa pag-uunat ko ay may naalala ako, "Ah!" Sigaw ko at hinampas siya sa kanyang braso.

"Para saan 'yon?" Pagtatakang tanong nito.

"Pangalawang beses mo na akong nakikita na bagong gising. Kainis!" Pagrereklamo ko. Pakiramdam ko tuloy ay ang pangit-pangit ko sa paningin niya tuwing umaga. Isang bruha na mangkukulam.

"Ano aman masama? Kahit ano pa 'yang itsura mo, mahal parin kita."

Ey, plastic. Pero napalinga ako sa kanan ko nang bigla niyang kunin ang isang tray na may laman na pagkain. Breakfast in bed. Wow!

"Ako nagluto niyan." Pagmamayabang pa nito sa akin. Aba, kaya ko rin naman magluto 'noh.

"Tss, baka mas masarap pa ako magluto sa'yo" Pang-iinis ko pero tumawa lamang siya sa akin.

"Whatever!" Inirapan ko pa siya. "Wait, paghilamusin mo muna ako." Tumayo ako at pumunta sa C.R para ayusin man kahit kaunti ang itsura ko. Kahihiyan, Meng.

"So mabalik sa almusal." Sa pagbalik ko sa kama nakita ko naman siyang may sinisilip sa bintana, lumingon siya sa akin saglit at ibinaling muli ang tingin sa labas.

"Ubusin mo 'yan, ah. Magtatampo ako kapag hindi mo inubos 'yan."

Aba at gumagano'n pang kaartihan? Kakainin ko naman 'to kahit anong mangyari, eh, alam kong pinaghirapan niyang lutuin 'to. Nakita ko kaya 'ying daliri niya na may band aid.

"Gusto mo ba pagtapos mo kumain, mamasyal muna tayo? Tiyaka na kita ihahatid sa bahay niyo."

Natatakot ako sa mangyayari pag-uwi ko dahil ito nga, nagstay ako sa bahay ni Alden.. Pero bakit hindi ko pa sulitin? Para isang bagsakan na lang, papagalitan din naman nila ako, eh.

"Sige."

Hindi na ako nagdalawang isip pa, wala rin namang katiyakan kung hanggang kailan ko siya makakasama kaya naman hanggang nasa tabi ko pa siya ay susulitin ko na ang bawat oras. Hinimtay ko rin itong pagkakataon na ito, sayqng naman kung hindi magagamit ng tama.

Si Alden na ang nangialam sa gamit ng kapatid niya na si Ate Anj para hiraman ako ng damit na maisusuot. Magkasingkatawan lang naman kaming dalawa kaya walang hirap.

Nasa garahe na kami nung may naisip akong bagay. Bubuksan na niya ang pinto sa may shot gun seat para alalayan akong pumasok pero pinigilan ko siya, mukhang nagtataka tuloy siya sa ginawa ko.

"P'wedeng magcommute na lang tayo?" Saad ko.

"Huh? Bakit?"

"Kasi kapag nagdrive ka nasa kalsada lang ang atensyon mo, gusto ko sana masolo ka lang."

Ngumiti siya at kinurot ang pisngi ko. Muntik na tumulo ang laway ko dahil sa ginawa niya, hindi ko alam paano ko siya papatigilin dahil anytime p'wede na itong tumulo. Inapakan ko na lang ang paa niya kaya napaaray siya. Success, buti na lang at binitawan na niya, napahawak na lang ako sa bibig ko.

"Ang sweet. Sige pagbibigyan ko ang kahilingan mo." Isinara na niya ang pintuan ng kotse niya at hinawakan na niya ang kamay ko palabas ng bahay. Dahil nasa subdivision kami at malayo ang labasan nito, eh, nagtricycle na kaming dalawa.

"Alden. Paano kung hindi boto sa'yo pamilya ko, anong gagawin mo?" Tanonv ko sa kanya galing sa kawalan.

Lumingon siya sa akin. "Paanong hindi? Grabe nga 'yung pagwelcome nila sa akin kahapon."

"Kunwari nga lang."

Sumeryoso ang mukha niya at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. "Gagawa ako ng paraan para magustuhan nila ako. Hindi ako susuko hangga't hindi nila nakikitang deserving ako para sa'yo." Bumuntong hininga ito. "Kahit kumain pa ako ng bato ay gagawin ko para sa'yo."

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon