Eighth

4.5K 126 5
                                    

"Ija, 'wag ka masyadong galawgaw. Para kang hindi babae." Panenermon sa akin ni lola Nidora dahil tumatakbo ako paikot sa theme park.

Yup, nasa theme park nga kaming lahat at ako ang nag-aya sa kanila dito, ayaw nga ng mga lola dahil hindi naman daw sila mag-eenjoy sa mga rides pero sa huli ako parin ang nasunod. Nahuhuli sila sa akin maglakad at habang inililibot ko ang tingin ko sa paligid at may nabangga akong bata, hindi naman siya natumba o tumalsik dahil agad ko siyang nahawakan nung na out of balance siya.

"Sorry, okay ka lang ba?" Tanong ko sa batang nabunggo ko. Tumango naman siya at dinampot ang dala niyang stufftoy na kanyang binitawan. Pinapagpagan pa niya ito at saka lumungkot ang mukha. "Oh, bakit? May masakit ba sa'yo?"

Muli siyang umiling. "Nadumihan po kasi si Yadub." Pinapagpagan parin niya ang kanyang stufftoy.

"Yadub?"

"Opo, pangalan po 'yan ng stufftoy na ipinadala sa akin ni Kuya Alden galing pong ibang bansa." Pagpapaliwanag nito.

Aba, sosyal naman pala ang isang ito. Galing pang ibang bansa ang laruan. "Patingin nga." Ibinigay niya ito sa akin at saka ko ito tinignan kung may dumi pa. "Malinis na siya." Ibinalik ko ito sa bata. "Ano palang pangalan mo?"

"Angel po." Nakayuko na siya sa pagkakataong ito at tanging tinitignan na lamang ay ang kanyang mga paa habang yakap ang kanyang stufftoy.

"Hi Angel, ako si ate Maine." Ngiti kong saad para ngumiti rin siya sa akin. Ayun nga lang dumating na ang magulang niya at nginitian din ako.

"Hay nakong bata ka!" Rinig kong may nagsalita sa likod ko habang nagbababye kay Angel. Paglingon ko sila lola papunta na sa akin. "Saan ka ba naglululusot? Kanina ka pa namin hinahanap."

"Sorry po. May nabunggo po kasi akong bata at kinausap ko pa."

Pagtapos kong magpaliwanag ay sumakay na kami ni ate sa Space shuttle. Unang rides palang ay pang buwis buhay na, good luck na lang sa aming dalawa kung hanggang sa pagbaba namin ay manatili parin ang ngiti sa aming mga labi.

"Ayan na!" Sigaw ni ate. "Wah!" Akala mo matatanggal na 'yung ngalangala kung makatili.
Samantalang ako ay nanatiling tahimik katabi niya at hindi gumagalaw dahil itong mga puso ko ay nagsisimula nang sumigaw at kumawala. At ayan na nga.

"AHHH!" Sinigaw ko na lahat ng kakayanin ko dahil inaangat na kami paatras, nasa unahan pa naman kaming dalawa. Jusme, mapapadasal ka na nga lang talaga habang nasa tuktok. "Mama!" Ayan na lang ang huling katagang naisigaw ko dahil bigla na lang bumulusok sa bilis ang sinasakyan namin. Kitang kita ko ang mga ibong nagliliparan sa kalangitan at ang mga bubong ng bahay na sobrang liit kung titignan mo sa posisyon namin. Kapit na kapit lang ako at pumikit na lang ako para hindi ko na makita ang paligid. Hanggang sa tumigil na nga ito, minulat ko ang mata kao at pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay nasa ulo ko na. Buti na lang at hindi ako nasusuka.

Pagbaba namin tumatawa ang mga lola ko. "Ano, kaya mo pa ba?" Tanong sa akin ni Lola Tinidora habang tumatawa parin.

"Oo naman po. Kayang-kaya." Nagtatatalon pa ako para ipakita sa kanilang wala lang iyon at para lang sisiw. Kaya ayun, nasundan ng nasundan hanggang sa nagdilim na. Huli naming sinakyan ay ang ferris wheel. Maganda na kasi ang tanawin dito.

City lights, napakagandang pagmasdan. Todo picture pa nga ako dahil napaka breathtaking nung view. Ayoko na bumaba rito, para bang gusto ko lang magstay forever. Habang dahan-dahang umaakyat ito sa tuktok napakaraming pumapasok sa utak ko. Halimbawa na rito ay 'yung gusto kong makasama rito ang taong mahal ko, dito siya magpopropose at sasabihin kung gaano niya ako kamahal. Jusko, napakaromantic 'non. 'yung feeling na pagkababa niyo dito ay magbabago na ang buhay ninyo. Perfect place, perfect time, perfect date para sa perfect na lalaking mamahalin ko. Nakakakilig.

"Hoy, na-enjoy? Bababa na tayo."

Ay tapos na pala? Masyado akong nagday dream para hindi mamalayan na nasa baba na pala kami. At dahil ito na ang last naming sasakyang rides ay kainan na bago umuwi. Napadpad kami sa isang restaurant na malapit lang sa Enchanted Kingdom. Medyo gutom kaya patay gutom lang ang peg namin ngayon ng kapatid ko.

Habang kumakain ay nakita ko ulit 'yung batang nakabangga ko. Si Angel? Oo si Angel nga. Ang napakacute na bata at napakalalim nung dimples. Biglang lumihis 'yung tingin niya sa akin bago siya umupo kaya naman kumaway siya sa akin at bigla na lamang siyang may ibinulong sa mama ata niya. Kaya naman tuloy tinignan ko isa-isa ang mga kasama niya. Ang gaganda at halatang mayaman ang mga ito. Habang pinagmamasdan ko sila, si Angel ay pumunta sa akin.

"Hi po Ate Maine." Mukhang gulat din ang pamilya ko sa paglapit nito sa akin.

"Oh, bakit?" Tanong ko habang naka ngiti.

"Wala naman po. Gusto ko lang po sana sa inyo ibigay ito." Inabot niya sa akin 'yung stufftoy niyang si Minnie Mouse, 'yung nahulog kanina lang. "Iyo na po 'yan dahil po ang bait at ang ganda niyo."

Lumingon ako sa pamilya niya na naka ngiti sa akin at 'yung mama niya ay tumatango na para bang sinasabi na sige kunin ko na. "Talaga? Eh, paano ka?" Tanong ko.

"Mayro'n pa po akong isa." Inilabas niya si Mickey mouse kaya naman napangiti ako. Ang cute lang dahil may kapartner pala ito. Kaya naman kinuha ko na, remembrance. "Dalawa po kasi 'yung pinadala ni Kuya Alden kaya po okay lang po. Sasabihin ko na lang po sa kanya na ibinigay ko sa mabait at magandang babae."

Napangiti naman ako, hindi talaga nagsisinungaling ang mga bata. Ay haha joke lang naman. Nakakatouch naman itong bata na ito. "Salamat, ah. Iingatan ko 'to para sa'yo." Niyakap niya ako kaya naman niyakap ko rin siya pabalik. Kiniss ko pa nga dahil napaka cute niya talaga nakakagigil. "Pero bago ka bumalik doon, picture muna ta'yo." What a bright idea, Maine. Ang cute niya talaga.

At pagtapos namin magpicture ay umalis na siya at bumalik sa pwesto niya. Ewan ko ba pero habang nagkukwentuhan at kulitan ang pamilya namin ay doon lang ako sa pamilya ni Angel naka tingin. Mas binigyan ko ng atensyon ang pamilya niya kaysa sa akin hanggang sa umalis na nga kami. Nagbabye ako sa kanya nung lumingon siya sa akin.

Dahil narin sa pagod ay nakatulog na ako sa naging byahe namin kaya naman pagka-uwi ko ay diretso higa na ako sa kama ko habang yakap-yakap ko si Minnie Mouse.



Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Where stories live. Discover now