Forty Second

3K 94 2
                                    

ADRIAN'S Point Of View

Sobrang taranta na namin dito sa bahay. Tumawag si lola Nidora kaninang madaling araw at hinahanap kung kasama ko ba raw si Maine dahil hindi pa ito nauwi. Dahil sa pag-aalala ay napasugod ako sa bahay nila kahit late na.

Pagpasok ko sa bahay ay puro telepono at cell phone ang hawak nila, si Krystal naman ay naka upo sa sofa habang inihihilamos ang kamay sa kanyang mukha, present din ang boyfriend niya na si Sam na may hawak na kape.

Kaya mabalik sa usapan, hindi ko narin alam ang nangyayari, halo-halo na ang naiisip ko na baka nagpakamatay siya, na 'wag naman sana. Bago kasi kami bumalik sa bulacan ay parang problemado siya. Hindi ko lang matanong ang dahilan dahil baka magbeast mode pa ito sa akin.

Tinatawagan ko ang cell phone niya pero nakapatay ito. Hindi rin naman kami p'wedeng tumawag sa pulis dahil hindi pa naman siya nawawala na mahigit twenty four hours.

"Ano ba kasing nangyari, Krystal?!" Sa lakas ng boses ni lola Nidora habang nagtatanong ay pati ako ay kinakabahan. Ano na lang kaya para kay Krystal ito.

Umiiyak na siya at ilang na lamang ng iling. "Lasing na lasing na po kasi siya kaya inawat ko na. Tinext ko po si Sam para magpasundo tapos iniwan ko muna siya dahil pupunta ako sa C.R pero pagbalik ko po ay wala na siya. Sinubukan ko po siyang hanapin sa labas ng bar pero wala na akong nakitang bakas ng kinakaroonan niya."

Jusko, ayoko man talaga isipin pero baka may masama nang nangyari kay Maine. Kaso saan ko siya hahanapin? Wala akong magawa kung hindi ay maghintay lamang sa loob ng bahay nila. 'Yung tensyon din dito ay kakaiba. Nag-iiyakan na silang lahat. Gusto kong maging positive kaya susubukan kong papalakasin ko ang loob nila.

"Kumalma lang po tayo, baka naman po ay may kaibigan lang siyang tinuluyan o baka tinatanggal lang po niya 'yung tama niya sa alak." Bumuntong hininga ako. "Nasa mabuting kalagayan naman po siguro siya."

Pero parang kaysa sa maka tulong ay mas lalo pa atang na high blood si Lola Nidora.

"Paano kami kakalma? Madaling araw na! Maraming rapist sa tabi-tabi.. Kaya sabihin mo paano kami kakalma!" Sigaw kung sigaw. Lahat ng balahibo sa katawan ko ay nagsitayuan.

"Tama ang bata. Baka masyado lang tayong nagpapanic. Baka kasi ayaw pa nung bata makita ang mukha mo." Saad ni lola Tinidora in a sarcastic way. Bahagyang natawa naman si lola Tidora rito.

"Tumigil kayong dalawa! Hindi ako natutuwa!" Taas na taas na ang kilay nito.

Mukhang bubuka ang lupa ng 'di oras at bababa ang anghel dahil sa magkakapatid na lola's.

"Kung may dapat sisihin, ikaw ang dahilan ng lahat, eh!" Lumapit naman si lola Tinidora kay Krystal at umupo sa tabi nito. "Sabihin mo, Ija, bakit naglasing si Maine?"
Suminghot-singhot pa ito bago sumagot. "Naka usap po kasi ulit ni Maine si Alden at nalaman niya na ang lahat ng dahilan kung bakit siya nito iniwan." Pinunasan niya ang luha niya bago ituloy ang sasabihin. "Sa galit niya ay hindi niya ito pinaniwalaan.. Pero sobra-sobra na po siyang nasaktan."

Tumayo na si lola Tinidora at dinuro ng pamaypay si lola Nidora. "Puno ng sama ng loob ang bata pero wala siya ni isang sinasabihan nito. Bakit? Dahil natatakot sa'yo." Pagtapos niya itong sabihin ay muli nanaman niyang ibinaling kay Krystal ang tingin. "At ano naman ang naging dahilan ni Alden sa pagkawala niya?"

Tumingin ako kay lola Nidora at kitang-kita ko na napalunok na siya ng laway.

"Tigilan niyo na 'yan, umuwi na kayo Krustal at baka pati kayo ay hinahanap na." Hinihila patayo ni lola Nidora si Krystal at pilit na pinapauwi na.

Akmang hahakbang na ito para lumabas ng bahay pero hinarangan ito ni lola Tinidora.

"Sabihin mo ang totoo, Ija, at walang lalabas ng bahay na ito hanggang sa hindi nalalaman ang dahilan. Kaya sabihin mo na... Ako ang bahala sa'yo."

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon