Eleventh

4.4K 177 12
                                    


So this is it. This is really is it, is it! Kinakabahan na ako ngayon at hindi ko alam kung nasaang parte na ba ng katawan ko ang puso ko. May pagkakataong tumitibok narin ang ulo ko sa kaba kaya naman nasunog na ang itlog na niluluto ko at napagalitan pa ako dahil kung kailan daw itlog na lang ang niluluto ko ay saka pa nasunog. Kawawang itlog naman pero mas kawawa ako dahil napagalitan ako not once but twice. Wala raw ako sa katinuan ko ngayon, nakita rin pala nila ang pagkatulala ko.

Pero seryoso kinakabahan talaga ako mamaya. Mamaya ko na kasi i-checheck 'yung skype ko kung na-add na ba niya ako or what? O baka hindi kasi ayaw niyang magpakita sa akin, 'yung mga gano'ng thoughts. Nakakaloka. Dahil sa kapalpakang ginawa ko tumakbo muna ako sa kwarto ko, hindi muna ako sa kanila sasabay kumain. Aasarin nanaman nila ako panigurado.

Siyempre, daily routine ko lang naman ay ang umupo sa kwarto at buksan ang laptop ko. Pagbukas ko ng skype ay wala pang bagong tao na nag-aadd sa akin so I decided to open my omegle. Let's see kung masesearch ko siya rito. First try.. Second try.. Third try.... And...

You're now chatting with a random stranger. Say hi!

You both like Maiden

You: Hey!

Stranger: 'Yun, online siya.

Stranger: I already added you. Check it.

Pinuntahan ko naman ang skype ko at nakita ko na nga. 'aldenrchrds' Ibabalik ko palang sana sa tab ng omegle pero biglang may nagpop out na tumatawag sa skype. Bigla akong nanlamig, hindi alam ang gagawin dahil sa pagkabigla. Hindi naman ako nainform na ngayon siya tatawag, walang pasabe. Tatanungin ko pa nga lang sana siya kung what time siya pwede pero ito na? Ito na talaga? Hindi pa ako prepared. Hindi pa ako nagsusuklay, sabog kung sabog ang buhok ko ngayon. At hanggang sa naputol ang video call.

Stranger: Bakit hindi mo sinasagot?

Stranger: Ayaw mo ba?

You: Hindi!

You: Hindi ko naman alam na makikipag video call ka na agad sa akin. Nagulat lang ako.

You: Hindi parin ako nagsusuklay, eh. Nakakahiya naman sa'yo.

Stranger: Gano'n ba? Sorry. Sige magsuklay ka mula, hihintayin na lang kita.

Hindi na ako sumagot pa at nagmadaling maghilamos, mumog, at toothbrush. Nagtaka lang ako na hindi naman niya maaamoy ang hinga ko, ah, bakit pa ako nagtoothbrush. At ayun na nga onting powder at lip gloss at inayos ko na ang buhok ko. At bago ako bumalik sa kinakaupuan ko ay inilock ko muna ang pintuan ng kwarto ko para walang sagabal.

Stranger: Game?

Nanginginig parin ako, pati nga boses ko ay garalgal habang sinusubukang magsalita kung anong unang sasabihin ko. Nahihiya ako sa kanya. Shocks, bahala na si batman, superman, lahat ng man! Bahala na.

Nag-inhale at exhale pa ako para mawala ang kaba ko, jusmiyo sobrang lakas ng tibok nito at feeling ko pwede nang lumabas sa dibdib ko at sumayaw. Kakayanin ko 'to. Kakayanin mo 'yan, Meng! Aja!

You: Game.

Stranger has disconnected

Alden Richars calling....

Answer - Answer with video - Decline

Anong pipindutin ko, shocks nanginginig ang mga kamay ko. Hooooh!

At sinagot ko na nga ng tuluyan, tatakpan ko sana muna 'yung camera ko pero may tao nang bumungad sa harapan ng screen. Pero hindi ko pa nakikita ang mukha niya dahil nakaharang ang braso niya sa camera, para bang may kinukuha siya sa gilid. Habang tinititigan ang likod ng kwarto niya ay bigla na lang akong nagulat at napanganga. Naka harap na pala siya sa screen at hindi nanaman ako na inform. Ngiting ngiti pa ito na para bang nanalo sa lotto.

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon