Twenty Eighth

3.8K 138 8
                                    

Ayan nanaman po tayo, hindi nanaman ako maka tulog. Hirap nanaman ako na alisin sa utak ko ang mga bagay-bagay. Alas tres na ng madaling araw at ito ako, nakadungaw sa bintana. Tinuturo ko ang mga bituin at pinagdudugtong ang mga ito sa ginagawa kong guhit.

Grabe ang pinagdaanan ko sa taong ito. Nabago ang buhay ko dahil lamang sa isang chatting site. Dito ko nakilala si Alden na nagpaiba ng pananaw ko sa buhay. Akala ko noon ay wala lang ang lahat dahil strangers lang naman talaga kami, hindi ko aakalain na hahantong kami sa ganito. Nasasaktan na ako ng walang dahilan. This must be love!

Dahil hindi talaga ako maka tulog ay kumuha ako sa baba ng makakain, magmomovie marathon na lang muna ako hanggang sa makatulog.

The fault in our stars 'yung pinanuod ko. The best movie at pinaiyak niya ako, hindi ko naman kasi inaasahan na mangyayari 'yon sa ending, tulo uhog na ako dito. Augustus bakit ikaw pa? Bagay pa naman kayo ni Hazel tapos ganyan. Enebeyen! Okay, hindi ako maka move on. Masyadong masakit ang nangyari.

Nakakatatlong movie na ako at sa oras na ito ay nakakarinig na ako ng tilaok ng manok. Pagbukas ko ng kurtina ko ay nakita ko na ang araw na kumakaway sa akin. Umaga na pala? Hala ka at hindi pa ako natutulog.

Ang tao rito sa bahay ay gising na samantalang ako ay matutulog pa lang, paniguradong gigisingin nila ako mamaya at kukulitin na sumabay mag-almusal. Pero nakakaramdam na ako ng matinding antok kaya hindi ko na nagawang tumayo at i-lock ang pinto.

Kakapikit ko pa lang ng biglang nagvibrate ang cellphone ko. Binuksan ko ang isa kong mata para tignan ito. May nagchat, hindi ko na nakita ang pangalan dahil aa labo na talaga ng paningin ko.

Labas ka mamaya ng bahay.

Makabalik na nga lang sa pagkakatulog. Istorbo naman ang isang ito.

Wala pa atang isang oras ang tulog ko pero biglang nagvibrate ng matagal ang cellphone ko, hindi ko 'to pinansin at hinayaan lang na kusang mamatay. Nagtalukbong na ako ng kumot pero bigla nanamang nagvibrate.

"Hmm." Ungol ko. Naiinis na ako, antok na antok na ako kaya please lang patulugin ninyo ako. Ayaw na dumilat ng mata ko. Kaya naman para matapos na ay sinagot ko na ito. "Hello?" Buong lakas kong salita.

"Maine, labas ka."

"Tss, inaantok pa ako."

Binaba ko na ang tawag at bumalik sa pagkakatulog pero mga thirty minutes din ang naka lipas ay hindi ko alam pero bigla nanaman akong napabangon. Tinignan ko ang cellphone ko at nakita ko sa chat ng facebook na nagmessage sa akin si Alden.

Tulog ka pa ba?

Labas ka..

Maine? Meng?

Gising ka na?

Labas ka. May surprise ako.

Ayaw sumagot? Nasa bahay ka ba?

Jusko, bakit niya ako pinapalabas? Kung anong pakulo nanaman 'yan bakit ngayon pa kung kailan puyat ako. Nagreply ako sa kanya.

Bakit ba? Inaantok pa ako.

Typing...

Nasa labas ako. Dali, pinagtitinginan na ako dito.

Ayan nanaman siya at nanloloko. Ayoko na maniwala, nung isang araw pa ako naghihintay sa labas ng bahay at wala naman akong nasaksihang Alden sa labas. Masasaktan lang ako.

Prank nanaman. Tigil na, Alden. Inaantok pa talaga ako.

Papikit pa lang ako pero biglang lumakas ang tibok ng puso ko, kahit anong pilit kong pikit ay hindi ko na magawang matulog. 'Yung pakiramdam na 'yung kaluluwa mo ay gusto nang matulog pero 'yung mata mo ay gising na gising parin. Sampung minuto rin akonh nakipagsagupaan sa kama ko. Gulong dito, gulong doon. Onti na lang ay rape-in ko na ang kamang 'to para lang maka tulog.

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Where stories live. Discover now