Thirty Ninth

3.3K 107 4
                                    

Nagising ako nang maramdaman kong may humahaplos sa aking pisngi. Gusto ko mang dumilat ngunit napakunot na lamang ang aking noo dahil sa sakit ng aking ulo. Hinawakan ko pa ito, sobra talagang sakit na pakiramdam ko ay oarang pinupukpok ito. Ganito pala ang pakiramdam ng malasing, nako hindi ko na ito uulitin kahit anong mangyari.

Pero teka, ang weird nung panaginip ko kagabi. Nakita ko raw si Alden at naka usap, imposible naman na totoo 'yon dahil paniguradong nasa ibang bansa siya. Hanggang panaginip ba naman ay guguluhin pa niya ako? Bakit gano'n? Yung mga nangyari kahapon parang totoong totoo. Teka nga, ano ba 'yon? Bakit ba may haplos ng haplos ng pisngi ko? Si ate nanaman panigurado 'to at ginigising na ako. Kulit.

Pinilit ko nang imulat ang mata ko, sa gulat ko ay napaatras pa ako sa kama kaya naman ay nahulog ako. Ang sakit sa pwet!

"Agh, ang sakit!" Pagrereklamo ko. Habang hinihimay ito ay bigla na lamang siyang tumayo at lumapit sa akin ng dahan-dahan ngunit umaatras ako para makalayo.

Ang galing naman ng panaginip na ito? Extended hanggang paggising, ngayon ko lang nalaman na kapag lasing ka ay may hang over ka pa talaga sa mga nangyayari. Kaua naman ay pumikit na lang muli ako. Mawawala rin ito pagdilat ko muli.

"Meng.."

Wow, nakakarinig narin ako. Amazing!

"Panaginip lang 'to, gumising ka na, Maine." Utos ko sa sarili ko pero bigla niya akong kinurot kaya naman ay napasigaw ako. "Aray! Bakit mo 'yon ginawa?" Masakit 'yon, ah. Napahawak tuloy ako sa braso ko.

"Sabi mo panaginip lang 'to, kaya ayan ginising na kita."

Nasaktan ako sa pagkakurot niya. Ibig sabihin ay totoong nasa harapan ko siya? Totoong Alden ang nasa harapan ko at hindi lamang kathang isip o kahit panaginip? Sa gulat ko sa mga nangyayaro ay kinuha ko ang unan at ibinato sa kanya lahat habang tumutulay sa kama para makarating sa kabilang ibayo ng kwarto.

"Aray, teka nga lang." Iniilagan niya ang mga unan pero may pagkakataong nasasapul ko siya sa mukha. Lalabas na sana ako ng kwarto nang bigla niyang hablutin ang kamay ko. "Saan ka pupunta?" Pagtatanong niya.

"Lalabas na ako sa bangungot na 'to."

Pagsabi ko nito ay wala nang umimik sa aming dalawa, napatitig ako sa kanyang matang nakikiusap sa akin. Hindi ko alam pero parang may mali. Ilang oras din kaming nagtitigan hanggang sa bigla na lamang niya akong niyakap.

Okay, I admit it.. I miss his hug.. I miss everything about him! And I hate this feeling because it is wrong. Dapat galit lang ako sa kanya, dapat hindi ko siya pinapansin pero bigla nanamang lumambot ang puso ko. Kakalas na sana ako sa pagkakayakap niya pero pinigilan niya ako.

"Please, one more minute."

Nanigas na lang ako. Hindi ako makagalaw sa pinagkakatayuan ko. Pagtapos ng isang minuto ay kumalas na siya. Ngumiti siya sa akin nang pilit, hindi ito ang ngiting nasilayan ko noon sa kanya. Para bang puno ng sakit at pighati ang kwento sa likod ng kanyang mapapait na ngiti.

"I miss you." Saad niya.

"Aalis na ako." Akmang lalabas na ako ng kwarto pero pinigilan nanaman niya ako ulit sa pagkakataon ito. Hindi tama ang nararamdaman ko ngayon kaya kailangan ko na agad makaalis dahil hindi ko alam kung anong mangyayari kung mananatili pa ako rito.

"'Wag ka muna umalis.. Bakit mo ba sa akin 'to ginagawa, Maine?" Sa pagtitig ko sa mata niya ay para bang napakaraming ikwento sa akin. Nakakainis na!

"Dahil baka hindi ko matiis ang sarili ko. Dapat galit lang ako sa'yo... Hindi ko dapat nararamdaman 'to ngayon, eh." Napahawak ako sa batok ko. Ang weird.

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Where stories live. Discover now