Fifth

6.3K 154 2
                                    

Hindi ko masyadong iniisip kung ano nga ba ang malalaman ko bukas mula kay Ivan. Sa halip na problemahin ko ito ay pumasyal na lang ako kung saan-saan at pagkauwi ko ng bahay ay nagbukas ako ng laptop at pumunta agad sa site na omegle. Nagbabakasakaling online si Alden. Hindi ko alam pero gusto ko sa kanya ikunsulta ang tungkol sa mangyayari bukas. Manghihingi rin sana ako ng tips kung anong gagawin o magiging reaksyon ko kapag may nalaman akong hindi maganda. Pero bigo ako, naka ilang search na ako pero hindi ko parin siya nakakapair sa chat. 


Nangalumbaba ako sa study table ko habang hindi parin sumusuko sa kakaclick. Sana lumabas na ang mutual likes namin. Minsan lang ako humiling kaya sana naman ay pagbigyan na ako. 

Ilang oras rin ang lumipas at bigo na talaga ako. Pinatay ko na ang laptop ko at humiga sa kama. Naka tingin lamang ako sa kisame na para bang humihiling sa isang milagro. Totoo ba lahat ng nararanasan ko? Sana panaginip lang ang lahat ng ito. Iba pala sa pakiramdam ang bangungot na nangyayari sa tunay na buhay. Kahit gusto mong gumising para makawala ay hindi naman maaari. Kailangan mo lang harapin ang lahat hanggang sa matapos ito. 

Hindi ko alam pero unti-unti na pala akong naka tulog. 

"Maine?" Randam kong may kumalabit sa akin. "Pst." Napalingon naman ako. Hindi siya pamilyar sa akin ngunit ang kanyang ngiti ay napakalapad.

"Ako ba?" tinuro ko pa ang sarili ko para maka sigurado. 

Tumango naman siya. "Yup, ikaw nga. May iba pa bang Maine dito?" Nagkamot siya ng ulo atsaka tumabi sa akin umupo. 

"Teka, sino ka ba?" Pagtatanong ko dahil hindi ko siya kilala at ang weird lang dahil alam niya ang pangalan ko. Nagkita na ba kami? O sadyang ulyanin na lang ako para hindi siya makilala. "Kaklase ba kita noon or what? Pasensya na hindi ko maalala kasi, eh." 

Hindi ako tumitingin sa kanya kaya hindi ko alam kung ano nga ba ang kanyang reaksyon sa mukha. Hindi kasi ako mahilig tumingin sa mga nakaka-usap ko, eh. hindi lang ako sanay. 

"Hindi mo ako makilala?" 

Aba, tatanungin ko ba siya kung kilala ko siya? Malamang hindi 'di ba. Nang-iinis ba ang isang ito? "Hindi? Sino ka ba." Pagtataray ko.

"Relax, ako ito si Alden." Muli siyang ngumiti. Alden? Alden? Alden? Sinong Alden? "'Yung kausap mo sa omegle." 

Bigla na lang akong napalingon sa kanya bigla. Napanganga pa nga ako, eh, at hindi ko alam kung anong irereact ko sa kanya. Seriously, ngayon ko palang siya nakita at wala akong ideya na sa ganito pa mangyayari ang lahat. 

"Oh, baka pasukan ng langaw 'yang bibi mo." Pagbibiro niya, buti na lamang at bumalik na ako sa katotohanan. "Mukhang problemado ka, ah?" 

Habang binabanggit niya ang katagang 'yan ay may nakapukaw naman ng aking atensyon. "Krystal? Sam?" Sobrang saya nilang dalawa na para bang wala nang mapaglagyan nito. Holding hands while walking. Iba na 'to. 

Tumayo ako upang habulin sila ngunit para bang ayaw gumalaw ng aking mga paa. Nanigas lamang ako sa aking kinakatayuan at hirap na rin sa paghinga. Tanging ang pagluha ko lamang ang umuusad habang pinapanuod silang palayo nang palayo sa akin. Naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko.

"Bakit hindi mo alamin ang dahilan?" Napatigil ako sa pag-iyak at pinunasan ang luha ko.

"What do you mean?" Pagtatanong ko.

"Dahilan kung bakit nila 'yon nagawa, kasi alam mo it is easy for you to judge them even you still don't know the reason behind it." Huminga siya ng malalim at tinulungan akong tumayo, mas lalo akong naiiyak sa mga sinabi niya. "Forgive and forget nga 'di ba. 'Wag mo na pahirapan ang sarili mo, ayokong nakikita kang nasasaktan, okay? Kaya gawin mo na ang tama kahit maakit."

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon