Twentieth

4.2K 174 16
                                    

Nasa park ako ngayon, kasama sila Krystal at Sam. Isang linggo narin ang lumipas simula nang maaksidente ako, himala nga na pinayagan na ulit nila akong lumabas at sila pa ang mismong nagpaalis sa akin sa babay, basta raw ay mag-iingat na lang ako.

"Cotton candy?" Pang-aalok ni Sam kay Krystal ngunit umiling lamang ito at tinanggihan.

Kanina pa silang dalawa sweet, masyado na akong nilalanggam sa kanilang dalawa at oo naiinggit na ako. Kung nandito lang si Alden edi sana hindi ako nag-iisa. Kutob-kutob din sana nang kaonti na may kasama kayong single pero soon to be taken. Pero sana naman, kahit ngayon lang ay makaramdam sila.

"Ice cream?" Tanong muli nito.

"Ayoko. Papatabain mo naman ako, eh." Bigla na lamang tinanggal ni Krystal ang pagkakaakbay nito sa kanya at bigla na lamang kumapit sa braso ko. "Busog pa ako, okay." Bigla naman niyang ibinaling ang atensyon sa akin. "Ano, Meng? Gusto mo na ba umuwi?"

"Kayo? Gusto niyo na ba o mag-iikot pa kayo?" Pero sa utak ko, gusto ko nang sabihin na oo i-uwi niyo na ako at kayo na lang dalawa ang magdate. Masyado nang tumutulo ang laway ko sa inggit at baka pag nagtagal pa ito ay magwalk out na lang ako bigla.

Hoy, hindi ako magwawalk out dahil nagseselos ako na kung bakit kay Krystal napunta si Sam at hindi sa akin. Wala na akong pagnanasa sa lalaking iyan at masaya na ako para sa kanilang dalawa. Nakikipagkulitan nga ako sa kanila pero may point talaga na hindi maiiwasang ma-OP ka sa kasweet-an nila. Siyempre iba parin ang pakiramdam na may kasama kang couple 'noh tapos ikaw, nganga?

"Hatid ka na namin?" Umiling ako at tumanggi.

"Hindi na, kaya ko naman na mag-isa."

"Sus, ayan din 'yung sinabi mo sa akin noon. Oh, 'di ba nabangga ka. Nako tigil-tigilan mo ako sa pag-iinarte mo at baka masapak na lang kita."

True friend. Hahaha, sumasakit lang ulo ko sa babaeng ito. Wala naman akong magagawa dahil dalawa silang pinagtulungan ako. Nasa back seat ako at minabuti ko munang humiga para matulog kahit saglit. Hilata kung hilata sa likuran, para bang kama lang.

"Maine?" May kumakalabit sa akin. "Gising na, nandito na tayo." Pagmulat ko ay nakita ko si Sam kaya naman agad akong napaupo ng maayos.

"Teka, nasaan si Krystal?" Pagtatanong ko dahil kaming dalawa na lang ang nandito.

Nagkamot ito ng ulo. "A-ano kasi," Bakit mukha siyang kinakabahan? Ang weird ng itsura niya ngayon. "Hindi na niya kasi kaya, naiihi na raw siya kaya nauna na siyang pumasok sa loob." Ngumiti ito ng tioid at inalalayan na lamang niya ako sa pagbaba ng kotse.

"Ah, gano'n ba? Sige, bye." Pagpapaalam ko sa kanya. Makikita ko naman si Krystal sa loob kaya doon na lang ako magpapaalam sa kanya.

Pagbukas ko ng pintuan ay nanibago ako, walang tao? Napakatahimik. Himala naman na ganito rito, kung ganito rin naman. Paano kaya nakapasok si Krystal?

May note sa lamesa kaya naman ay binasa ko.

Find the treasure on your room. JUST DO IT. OKAY?

Anong pakulo 'to? At naka capital pa ang lahat ng letters. Makautos, wagas.

Umakyat naman ako at nagpauto sa sulat na ito. Pagpasok ko sa kwarto ay may nakita akong box at may "X" sign doon, ito siguro ang binabanggit na treasure. Siyempre hindi nanaman mawawala ang note.

Wear this and go to the garden.

OMG! Ang ganda nitong dress na ito. Simple lang siya pero eligante ang itsura nito. Yayamanin ang bumili nito, ah. At isa pa, hindi ko naman birthday pero bakit daig ko pa ang magdedebut?

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Where stories live. Discover now