Twenty Seventh

3.2K 116 1
                                    

Namimiss ko na ang ngiti niya, namimiss ko na kung paano siya tumitig sa akin, namimiss ko na ang boses niya, namimiss ko na ang pagiging makulit niya. Sa madaling salita, miss ko na ang buong pagkatao niya. Six days na walang komunikasyon. Daig ko pa ang nalugi sa business.

Ang tanging kausap ko na lang tuloy sa kwarto ay ang mga stufftoy na pinadala niya, tinititigan ko nga lang din ang mga bulaklak na ipinadala niya. Nakalagay ito sa isang jar kaya kahit bulok na ang mga ito ay nasa magandang kondisyon parin naman. Buti na lamang at naalala ko ang CD na ipinadala niya. Pinatugtog ko ito sa DVD player namin at pinakinggan lang.

Okay na ako rito kahit medyo malungkot. At least naririnig ko parin naman ang boses niya. Mas mamabutihin ko na lang na magkulong buong linggo sa kwarto ko at baka may makita nanaman akong tao sa past life ko na pilitin nanamang manghimasok sa present life ko kapag lumabas ako. Ayoko na, nakakastress! Laking pagsisisi ko kung bakit ako napunta sa alma mater ko. Kasumpa-sumpang araw. Anyway, miss na kaya niya ako?

Late night thoughts nanaman! Huling nangyari sa akin ito ay nung panahon na nag-away kami ni Krystal pero sa tingin ko mas malala ang isang ito dahil pati puso ko ay sumasakit.

Bumaba ako para pumunta sa kusina, nauhaw ako bigla. Nakayuko akong maglakad kaya nung inangat ko na ang ulo ko para buksan ang ref. ay halos mapasigaw ako.

"Lola!" Si lola Tinidora kasi nasa gilid ko pala at hindi ko man lang napansin. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Aatakihin ako sa puso nito, eh.

"Para ka naman nakakita ng multo?" Tumawa ito at ininom ang tubig na kanyang hawak.

"Nagulat lang po." Pagpapaliwanag ko.

Umupo muna ako sa hapagkainan at pinagmasdan ang baso ng tubig. Tumabi naman sa akin si lola at hinagod ang likuran ko.

"Namimiss mo na ba siya?" Tumango lang ako sa tanong nito. "Ganito gawin mo.. Pumikit ka lang," Sinunod ko naman ang sinabi nito. "Isipin mo na magkasama lamang kayo sa oras na ito. Tandaan mo ang sinabi ng lola Nidora mo, kahit hindi kayo magkapiling ay nararamdaman niyo parin ang pag-ibig nang isa't isa."

Sa pagpikit kong ito, effective naman dahil nakikita ko si Alden sa harapan, naka ngiti at hawak ang pisngi ko. Para tuloy ayoko nang magising pa sa pagkakataong ito, gusto ko lang manatili sa oras na ito.

"Ija, gumana ba?" Nanatiling naka pikit parin ako at tumango lamang. "Ganyan lang ang gawin mo kapag namimiss mo na siya. Sige na at aakyat na ang lola."

Dumilat na ako at ngumiti sa kanya. Babalik din naman na ako sa kwarto ko, eh.

"Sabay na po tayo." Sambit ko.

Habang naglalakad kami paakyat ay may ibinulong sa akin si lola. "'Wag mong taniman ng sama ng loob ang lola Nidora mo, ah, mabait naman ang isang iyon. Siguro hindi niya lang nagustuhan ang pagsagot mo sa kanya. 'Wag lang mag-alala, bukas paggising mo ay makukuha mo na ang mga gamit mo sa kanya."

"Alam ko naman po iyon, lola. Pinagtanggol ko lang naman po si Alden."

"Alam ko 'yon, Ija. Osige na. Matulog ka na."

Pumasok na siya sa kwarto nila at gano'n din ako. Medyo okay narin naman ang nararamdaman ko kaya naman makakatulog na ako sa wakas.

**

"Meng, gising. May love letter ka."

Napamulat ako ng dahan-dahan at nag-unat. Nakita ko si ate na naka ngiti abot langit. Love letter? Kay Adrian lang naman galing 'yan. Para saan pa.

"Tapon mo 'yan." Utos ko sa kanya.

"Gaga, sigurado kang itatapon ko 'to."

"Oo." Nagtalukbong na lang ako ng kumot sa buong katawan ko.

"Sayang naman. Ang layo pa ng pinanggalingan nito."

Bigla akong bumangon at nagpakaninja para makuha ang sulat. Kay Alden pala galing ito

"Akala ko ba ay itapon na?" Nakapamewang pa talaga siya nung sinabi niya ito.

"Akala ko kay ano kasi.." Napatawa naman ako at agad inamoy ang sobre. Amoy amerika, hahaha.

"Sige na at maiwan na kita. Alam ko namang pagnanasahan mo pa ang sulat na 'yan." Pagbibiro niya at lumabas na ng kwarto.

Dahan-dahan kong binuksan ang sobre at binasa na ito.

Hindi naman ako makata
Para sumulat ng talata..
Ay, joke lang. Ang hirap pagtugmain ng dulo, hindi naman ako magaling diyan. Kumusta ka na? Kumain ka na ba? Ayos ka lang ba diyan? Miss na kita.

Hindi mo naman kasi siguro makikita ang mga chat ko sa'yo kaya kahit maigsi lang ang sulat na ito ay ipinadala ko na.

Ang ganda ng hand writing mo, natuwa ako kaya buong araw ko lang pinagmasdan ang kapirasong papel na galing sa iyo.

Uuwi ako diyan sa Pinas, hintayin mo malay mo ngayon na ako umuwi. See you soon, Meng. ♡

-ARF JR

Uuwi na siya? OMG! Totoo na ba ito? Bumaba na ako sa salas. Hahanapin ko si lola Nidora para makuha na ang laptop at cell phone ko. Kailangan ko na mag-online para malaman kung kailan siya darating? Ako na magsusundo sa kanya sa Airport.

Hindi ko muna sa kanila sinabi ang mga ito dahil baka may marinig nanaman akong bad comments. Mga limang oras narin akong naghihintay at may nagdoor bell. Laking pagtataka nila kung bakit ako tumakbo palabas.

Nakakadismaya na bill lang pala ng kuryente namin 'yon. Kaiyak, umasa ako.

Ano kayang gagawin ko kapag nakita ko siya? Yayakapin ko ba siya? Tititigan lang, makikipagkamay, titili o ano? Kapag kasama ko na siya dadalhin ko siya sa lugar kung saan mag-eenjoy lang kami. G, 'di ko na kayang maghintay. Naeexcite na talaga ako!

Pero teka, mukhang prank lang ito, ah? Naalala ko noon sinabi niya na uuwi siya sa pilipinas at on his way na raw siya sa airport pero joke lang pala 'yon. Hindi kaya jinojoke na lang niya ulit ako? Parang ayoko na tuloy maniwala lalo na't buong araw na akong naghihitay sa kanya.

Pero nung sinulat niya ito ay nung nakaraan na nakaraan pa. Hindi kaya nakauwi na siya? Eh, bakit hindi pa siya pumupunta sa akin? Hindi kaya nakasalubong niya 'yung ex-girlfriend niya tapos nagdinner sila, tapos... Tapos nagkamabutihan sila? Jusko, 'wag naman po sana. Ganyan lang din ang nangyari sa akin kaya tignan mo ang buhay ko ngayon, miserable.

Ayoko na ngang umasa. Hindi naman totoo 'yung nasa sulat, eh. Masasaktan lang ako at ayokong mangyari 'yon.

Kakausapin ko na lang si simsimi pansamantala, ayoko sa omegle at baka magkasala pa ako, okay na 'tong si simsimi kahit walang kwentang kausap ay pampalipas oras din. At hindi niya ako lalandiin kapag naka usap na niya ako.

---

Vote ⚫ Comment ⚫ Follow

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Where stories live. Discover now