Forty Sixth

4.4K 115 8
                                    

Last two days bago ako bumalik sa trabaho ko, naisipan nila mama na magswimming sa isang resort. Gabi palang ay naghahanda na sila sa mga dadalahin, mastadong mga excited. Ako nga bukas pa ako mag-aayos, eh, gigising na lang ako ng maaga. Tutal alas syete pa naman ang alis namin.

"Wala na ba tayong nalimutan?" Chineck ni papa 'yung mga dala naming gamit at dumeretso na sa driver's seat.

Kakastart palang niya ng makina nang biglang sumigaw si lola. "Teka lang!"

"Ano nanaman 'yon, Ate? Sige na at mag C.R ka na." Pananaway ni lola Tidora dahil excited na nga naman siyang umalis tapos si lola Nidora ay aagaw pa ng eksena.

"Sabi naman na kasi sa'yo ay magsuot ka na ng diaper para hindi ka na makaistorbo pa ng iba."

Hinataw ni lola si lola Tinidora dahil sa sinabi nito. Napaaray naman ang lola niyo. "Wow, nang-aano ka, eh, nahiya ako sa'yo." Nagtawanan kaming lahat dahil sa mala babalu niyang boses.

Napatingin naman kami ni ate sa labas ng gate dahil may humarang na kotse. "Ay, bastos? Kitang lalabas tayo tapos haharang lang 'yang kotse na 'yan?" Saad ko.

"Dapat talaga ay maglagay na tayo ng karatulang don't block the drive way." Dagdag pa ni ate.

"Hindi.. Teka nga lang, palabasin ninyo ako." Bumaba si lola Nidora kaya naman ay nagsunuran din kami sa kanya.

Binuksan niya ang gate at pumunta sa kotseng nakaharang sa labas. Hindi namin alam kung sino 'yung nasa loob nito dahil tinted ang salamin nito.

Kaya naman sa pagbaba nung lalaki sa loob ng kotse ay napasilip ako habang nakakunot ang noo. Teka parang familiar, eh. Matangkad, maputi, ang ganda ng porma tapos naka shades. "Alden?"

Napatingin silang lahat sa akin at mukhang nagtataka.

"Alden? Bakit siya nandito?" Tanong ni ate.

Si lola Tinidora naman ay pumasok na ulit sa loob ng sasakyan at umupo na doon pero narinig parin namin ang sinabi niya. "Malamang.. Si ate ang nag-imbita diyan dahil sa hamon."

"Ah.." Sabay-sabay naming sinabi at nagkatinginan pa. Pagtapos ay pumasok na ulit kami sa sasakyan at sumunod rin naman agad si lola Nidora.

"Ilabas niyo muna ang kotse at i-papark ni Alden ang sasakyan niya rito." Utos muli nito.

Sumilip ako sa bintana. "Sasama po si Alden?" Masaya kong tanong.

Napairap si lola. "Hindi. Siya ang magbabantay ng bahay kaya ko siya pinapunta. Malamang, Maine.. Kasama siya. Ayaw mo ba?"

Nabara ako doon, ah, medyo pahiya. Nagtanong lang naman ako, grabe siya sa akin. Pero ayos lang dahil makakasama ko nanaman ulit siya.

Ipinasok na rin ni Alden ang gamit niya sa loob ng van at sumakay sa kotse namin, siyempre sa akin siya tumabi. Pero ang mata ang mga lola mo ay sa akin lang nakatingin. One wrong move at patay ako sa mga bunganga nito. Machine gun at armalite ang tatama sa akin.

Hindi pa nakakakalahati ng byahe ay bigla na akong inantok. Ano namang bago sa akin? Dahil hindi naka tulog kagabi dahil sa sobrang excitement ay puyat ako ngayon. Dating gawi kapag nasa byahe kami ay isinasalampak ko ang earphone sa tainga ko at magpapatugtog at dahil hindi ko man lang nabati o nangitian si Alden nung nakita ko siya ay ito na ang pagkakataon na tignan ko naman siya. Sabay pa kaming nagkatitigan at nangiti. Inalok ko sa kanya ang isang kapares ng earphone ko para naman ay hindi siya mabagot sa byahe. Sumandal ako sa balikat niya at ipinikit ang mata ko, naramdaman ko naman na hinawakan niya ang ulo ko at hinawi-hawi ang buhok ko. Nakakakaba, ano kayang itsura ngayon ng mga lola? Ibinangon ko ulit ang ulo ko at sinilip sila. Ay jusme, mas nauna pa pala silang matulog kaysa sa akin, eh, kaya.. Safe naman pala. Ibinalik ko na ulit ang posisyon ko kanina at pumikit na.

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Where stories live. Discover now