Ninth

4.1K 132 2
                                    

Habang bumababa ako sa hagdanan ay nanibago ako, tahimik ang kapaligiran at walang nag-iingay kaya naman napatakbo na ako pababa. Sinilip ko isa-isa ang sulok ng bahay namin at si Ate lang ang nakita ko sa kusina.

"Nasaan sila?"

"Sinundo si Lola Tidora." Sagot nito habang naghuhugas ng pinggan.

What? Uuwi narin siya? Ni hindi ko man lang alam. Anong mayro'n sa mga tao rito sa bahay? Umuuwi ng walang pasabi, hindi man lang tuloy kami makapaghanda. Biglaan.

"Bakit hindi ko alam?" Pagrereklamo ko kay ate.

"Paano ba naman. Tulog mantika ka." Narinig ko siyang tumawa nang mahina.

"Agh!" Ayan na lang ang tanging nasabi ko at umupo na ako sa hapagkainan. Tinusok ko 'yung hotdog at saka kinagat ito. Siyempre naka simangot parin ang mukha ko at nakita ito ni ate.

"Anong mukha 'yan? Wala ka namang gagawin doon, ako ngang gusto sumama ay naiwan. Arte mo, ah." Pagtataray ni ate.

Napanguso na lang ako at umupo sa sofa habang hinahanap ang remote kung saan man, manunuod na lang ako ng movie ngayon, wala rin naman akong magagawa rito sa loob ng bahay. Pero teka-teka parang may nalilimutan ata ako?

Pinilit kong alalahanin ang bagay na iyon ngunit wala talaga akong maalala, para bang nasa dulo na siya ng dila ko pero hindi ko makuha kung ano nga ba ito. Kaysa naman problemahin ko ang bagay na ito ay nanuod na lang ako para man lang malibang at lumipas ang oras.

Hindi ko rin inaasahan na makakatulog pala ako. Pagdilat ko ay may narinig akong nagkakasiyahan sa may bandang hapagkainan kaya naman umupo na ako ng maayos at saka tinanaw kung ano nga bang mayro'n.

Napatili na lang ako nang makita ko si lola Tidora. Napatakbo pa ako papunta sa kanya at saka yumakap. Ang pretty parin niya as always. Niyakap narin niya ako pabalik at hinawi ang buhok ko.

"Ang ganda mong bata ka." Pagpuri niya sa akin at nakita ko naman si ate sa sulok na ngumuso.

"Sus." Dugtong nito.

"Ay nako, nagseselos ang ate." Nagtawanan ang lahat sa inasta ni ate. Para bang bata na hindi nabigyan ng lollipop. Totoo naman kasi na mas maganda ako kaysa sa kanya. Pero charing lang siyempre, haha mana ata ako sa kanya.

Panandalian akong huminto dahil bigla akong kinabahan, ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Bakit kaya?

"Oh, ija. Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni lola Tidora at lahat sila ay naka tingin sa akin.

"Wala naman po." Winasiwas ko pa ang dalawang kamay ko na may itinatangging ewan. "Kinabahan lang po ako."

Hinagod lamang ni lola Tinidora ang likuran ko. I feel safe sa ginawa niya. "'Wag mong problemahin, ija. Wala lang 'yan." Tumango naman ako sa sinabi niya. Sana nga wala lang 'to. Sana walang masamang mangyari o kung ano man ang dahilan ng mga kabang ito.

Gabi na at hindi parin naaalis ang kabang ito. Hindi rin ako maka tulog kahit kanina ko pa pinipilit na ipikit 'yung mga mata ko. 'Yung tipong inaantok na 'yung kaluluwa mo pero 'yung katawan mo ay walang maramdamang antok kahit katiting.

***

HIS Point of View

Ano na kayang nangyari sa kanya? Bakit hangganh ngayon ay hindi pa siya nag-oonline? Kahit tatlong araw lang pala nakakamiss din pala siya. Ganito rin kaya 'yung naramdaman niya nung mga panahon naako naman ang hindi nag-oonline?

Asa ka naman, Alden, 'di ba. Bakit ka naman niya mamimiss, eh, kailan lang naman kayo nagkakilala at saka isa pa, chat lang 'yon. Ano naman bang magiging oake niya sa'yo? Umayos ka nga. Agh! Tiyaka bakit ko ba 'to nararamdaman? Hindi ko pa nga siya kilala ng lubusan.

Ang hirap ng buhay. Hindi ako makapagfocus sa trabaho ko dahil sa kakaisip sa kanya. Okay lang kaya siya? Ano kayang ginagawa niya? Eh, bakit ba kung makapag-isip ako para akong boyfriend?

Siyempre, Alden, concern ka sa kanya kasi magkaibigan naman kayo at hanggang doon na lang 'yon. Ano ba nag-aaway na 'yung utak at puso ko.

Kahit lalaki ako pwede rin naman akong mag-isip ng ganitong bagay. 'Wag kayong ano diyan, uy.. Tahimik man ang lalaki pero sa utak parin niyan maraming katanungan. Ang mga babae kasi ma-boka. Sinasabi nila kung anong nararamdaman nila.

Madaling araw na at gising pa ako, buti na lang at wala akong pasok bukas. Ano na kaya ang ginagawa niya? Hapon na sa Pilipinas at paniguradong free time niya sa kung ano man ang ginagawa niya.

Sinubukan kong buksan ang omegle ko at sinimulan nang hanapin siya. Kaso sa loob ng sampung ulit ko ay wala akong natagpuang ' Maiden '. Walang resulta na lumabas. Bigo ako sa araw na ito.

Hindi talaga ako makatulog sa kakaisip sa kanya. Masyado akong nafofocus sa kanya. Para bang gusto ko siya makita. Gusto ko siya maka usap ng matagal. Ano bang gagawin ko? Ang gulo na.

Binuksan ko na lang 'yung facebook ko at agad bumungad ang pictures na bagong upload lang sa account ni Angel. Pumunta pala sila sa Enchanted kingdom nitong nakaraan. Kainggit naman na magkakasama silang lahat tapos ako itong mag-isa sa ibang bansa. Namimiss ko narin 'yung kapatid ko. Kumusta na kaya sila Angel at mama?

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Where stories live. Discover now