Fourteenth

4.2K 144 9
                                    

"Meng!" Kahit antok na antok pa ako dahil sa pagkapuyat ko ay nagiing na ang buong diwa ko dahil may sumabunot sa akin ng bongga. Ang sakit sa anit, feeling ko pati bunbunan ko ay nakuha na. Ano bang problema nito?

Idinilat ko ang mata ko at umupo sa kinakaupuan habang hawak ko ang ulo kong kanina lamang ay inasabunutan ni ate. "Anong problema mo sa buhay?" Yamot kong tanong.

Sira na agad ang umaga ko dahil sa ginawa niya. Nakakainis, nakakakulo ng dugo. Kung pwede ko lang sapakin ang isang ito ay sinapak ko na. Ang creepy lang na kahit alam niyang galit na ako ngayon ay naka ngiti parin siya nang nakakaloko.

Itinulak ko ang mukha niya pahiga sa kama. "Anong mukha 'yan? Tigilan mo nga, kinikilabutan ako sa'yo."

"Yiie, jusko, Meng!"Umarte pa itong kinikilig siya. Binato ko naman siya ng unan sa pagkakataong ito. "Aray, masakit 'yon, ah." Mukhang nahimasmasan na siya sa kalokohan niya kaya naman ay matatanong ko na 'to nang maayos.

"Ano bang nangyayari sa'yo?"

"Ikaw, ah. Hindi mo naman sa akin sinabi na may manliligaw ka?"

Huh? Anong pinagsasabi nito? Manliligaw? Wala pa nga akong lalaking nakakusap o nakakadate tapos manliligaw pa?

"Anong pinagsasabi mo?" Naiirita na talaga ako. Pinapaligoy pa kasi hindi na lang sabihin.

"May nagpadala sa'yo ng flowers. Hindi pa nga namin kinukuha sa labas ng gate, eh, para ikaw daw ang mismong kukuha." Humagikgik ito. "Kinikilig nga sila Lola Tidora."

Agad naman akong napatakbo sa labas para tingnan kung mayro'n nga ba talagang nagpadala ng bulaklak sa akin. Mamaya joke lang pala tapos umasa ako, aba'y masakit 'yon. Sa pagdaan ko sa salas ay naka tingin lang sila sa akin lahat pero hindi ko muna ito pinansin at dumeretso na sa gate.

OMG! Bulaklak nga, nasa harapan ng gate namin ang isang bouquet of roses. Ang taray lang naman! Dianampot ko na ito at inamoy, nakita ko rin na may sulat na naka ipit sa gilid nito.

To: Maine

A beautiful flower for a beautiful girl.

From: Alden

Napangiti ako, isang kakaibang ngiti. Hindi ko alam kung gawa lang ba ito ng galak kaya bumibilis ang tibok ng puso ko o sadyak tumitibok na ito para kay Alden? Siya talaga ang nag-effort nagpadala nito kahit nasa ibang bansa siya? Kaya pala niya tinanong 'yung address ko kahapon ay ito ang dahilan, nagkunwari pa siyang mang-aasar lang ayun pala ay ito na.

Pagpasok ko sa loob ay naka tingin nanaman silang lahat. Si lola Tinidora ang unang nagtanong sa akin. Para nanaman akong siig na gigisahin sa mga katanungan.

"Ija, galing ba 'yan sa lalaking nasa loob ng laptop mo?" Medyo patawa si Lola, nakita niya kasi ako sa garden nung gabi na kausap si Alden. Tawa nga siya ng tawa at sabi niya ay kaming dalawa lamang ang nakakaalam 'non, pero mukhang hindi na ngayon dahil sinabi na niya ito sa harapan ng lahat.

"Ano 'yang pinagsasabi mo, Tinidora?"

"Wala ka na doon, Ate." Pang-iinggit pa ni Lola Tinidora kay Lola Nidora. Lumapit pa ito sa akin at akmang kikilitiin ako sa tagiliran. "Mabalik sa'yo, Ija, ano sa kanya ba galing 'yang bulaklak?"

Tumango na lamang ako. Hanggang sa nagsusumigaw na si ate sa kilig na agad namang kinurot ni mama sa braso dahil sa ingay. "OMG! So.. Nagkausap na ulit kayong dalawa sa omegle?"

"Hindi lamang sa omegle, pati sa skype." Dagdag ni Lola Tinidora.

"Talaga?" Nagtakip siya ng bibig at nagtatatalon na sa kilig. "Hindi mo na ako binabalitaan, Meng, ah, nagtatampo na ako." Nagtatampo pero kilig na kilig.

"Edi ako na walang alam." Biglang sumingit na si Lola Tidora sa usapan.

"Nagkita lang sa skype may pabulak-bulaklak pa? Ano 'yan? Instant noodles lang, na pagkabili ay lulutuin na agad? Bakit hindi na lang kayo magluto ng sariling soup at least kahit matagal ay sinusunod ang proseso at naluluto nang maayos at higit sa lahat ihahanda sa tamang panahon." Bumuntong hininga si lola. "Mapupusok na ang mga kabataan ngayon, sinabi ko nang mag-ingat pero ano?" Tumataas na ang tono nang pananalita ni Lola Nidora. Natatakot na ako pero hinahagod naman ni Lola Tinidora ang likod ko at binubulungan ako nang..

"Pabayaan mo 'yan si Ate, inggit lang 'yan." Kahit tawang tawa na ako sa ibinulong ni lola ay pinigilan ko na lamang ang sarili ko. Baka makurot pa ako sa singit.

"Ang pag-ibig na minamadali ay mabilis maglaho. Hindi sa lahat ng oras ay masaya at puro pagmamahal. Minsan kailangan nating alamin kung tama nga ba ito o hindi, mahirap bang intindihin 'yon? Kung uso 'yan sa panahon ngayon, 'wag ninyo nang gayahin!"

Bulaklak lang naman 'to, ah? Anong problema rito? Bakit ganyan na lang si Lola sa akin?

"Ate, 'wag na nating paki alaman ang bata. May sariling isip na 'yan at alam na ang tama sa mali. ano pa bang kinakatakot mo." Buti na lang at nandito pa ang dalawang lola ko na ipagtatanggol ako.

"Ayoko lamang siyang masaktan, tapos."

"LDR na nga sila, eh. Imagine long distance na nga at sa pagpapadala na lang ng flowers babawian ganyan ka pa. Ayan na lang ang kasiyahan nila." Paliwanag ni lola Tinidora.

Hanggang si Mama na ang sumingit sa usapan. "Eh, anak, sino nga ba talaga ang nagpadala niyan sa'yo?" Tumayo ito at kinuha sa akin ang bulaklak para amuyin ito. "Sa lalaking Tisoy na kausap mo sa laptop ba galing 'yan?"

"Ma? Ba't mo po alam?" Pagtatakang tanong ko.

"Nakita kasi kita. Hindi ko na lang muna pinaalam." Humagikgik narin si mama. "In fairness ang pogi."

Si papa naman ay tumayo at sinita kami. Ang ingay raw at nabaliw ako sa huling sinabi niya. "Porket ba lalaki ako ay wala na akong karapatan na malaman ang mga bagay-bagay na tungkol sa anak ko?"

Aw, nagtatampo si papa. Kaysa naman itago ko pa, eh, alam naman na nang lahat ay ikukwento ko na sa kanila, maliban na lamang sa pag-aaway namin ni Krystal.

At ayun na nga, ang dalawang lola at si ate ay kinikilig, si mama ay nagbibigil naman, si papa ay todo kinig sa bawat sinasabi ko at si lola Nidora ay poker face lang sa sulok. Para bang walang paki sa mga nangyayari sa paligid niya.

"At ito pa po pala," Dagdag ko sa kanila. Excited na ako pero 'wag na magpaligoy-ligoy pa. "Naalala niyo po ba ang cute na batang si Angel at ang pamilya niya na nakita natin sa restaurant?"

"Oh, anong mayro'n?" Tanong ni ate.

"Pamilya 'yon ni Alden. Pinagtagpo po talaga kami ng tadhana ni Alden. Nakita nga po niya si minnie mouse na ibinigay ni Angel ay nagulat pa siya dahil sa kanya galing 'yon." Kinilig narin tuloy ako at niyayakap ko ang braso ni ate. "Ang tadhana na po ang naglalapit sa amin pero ayun nga lang nasa America siya."

"Hay nako." Rinig naming bulong ni Lola Nidora.

"Kailan kaya namin makikita 'yan, Meng?" Tanong ni Ate.

"Try ko po this week. Mahirap rin po kasing masaktuhan ng oras na pwede kaming dalawa, eh." Pagpapaliwanag ko.

Pagtapos naming lahat mag-usap-usap ay umakyat muna ako sa taas para i-check kung online ba siya sa skype kaso hindi pa naka green 'yung maliit na bilog sa gilid ng pangalan niya. Pinicturan ko na muna ito at pinost sa facebook ko. Ang caption ko pa nga ay 'A beautiful flower for a beautiful girl.' Kilig to the bones! Thanks for this, Tisoy.



Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Where stories live. Discover now