Nineteenth

3.7K 126 4
                                    


"Tarantado mga driver ngayon. Hindi man lang tumitingin kung may tao bang dadaan o ano, akala mo mga hari ng daan. Mabulok sana siya ngayon sa kulungan." Galit na galit si mama sa nangyari sa akin.

Habang patawid kasi ako kahapon ay bigla na lamang na may kotseng sumulpot at hindi huminto sa pagmamaneho, sa bilis ng mga pangyayari ay nabunggo ako. Buti na lamang at hindi masyadong malala ang resulta sa akin. Na-injured lang naman ang right hand ko at masakit rin ng kaonti ang paa ko kaya hirap ako sa paglalakad.

Uuwi na rin kami mamaya, p'wede na raw ako lumabas dahil naka recover naman na ang katawan ko sa nangyari.

"Meng, nandito si Krystal." Nagulat naman ako sa sinabi ni ate pagpasok niya ng pintuan.

Ang buong pamilya kasi ay nandito para bantayan ako tapos may bisita pa. Hindi naman malala ang nangyari sa akin pero grabe na lang ang pag-aalala nila.

Pagpasok ni Krystal ay may lalaki siyang kasunod sa likuran niya at may dala pa itong basket of fruits. Sam? Ang pogi niya talaga pero wala na lang 'to para sa akin.

"Hi, Meng. Okay ka na ba?" Habang kinakumusta niya ako ay bumeso siya sa buong pamilya habang ngumiti na lamang si Sam sa kanila. Nahihiya dahil ngayon lang niya nameet ang parents ko. Pero oy, ah, pinangarap kong ipakilala sa parents ko si Sam bilang boyfriend at natupad naman na pero as a friend na nga lang. Kontento na ako kay Alden na kahit sa skype lang nila ito nakilala ay tinanggap parin nil ito. speaking of Alden..

"Hala!" Pati katawan ko ay nabigla sa pagsigaw ko kaya medyo kumirot ang righ arm ko. Bakit ko ba 'yon nalimutan, nakakainis. Nagtinginan naman sila sa akin at mukhang nag-aalala.

"Anong nangyari?" Tanong ni mama. "May masakit pa ba?"

Umiling lang ako sa kanila. "Naalala ko lang po 'yung sinabi sa akin ni Alden bago ako mabangga. Kausap ko po kasi siya noon at ang sabi niya ay napanaginipan niya akong nabangga. Nandoon na pala 'yung clue pero sabi ko safe pa ako."

"Paanong hindi ka mababangga, eh, cellphone ka ng cellphone. Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan." Panenermon ni lola Nidora.

"Ate, masyado ka namang hard sa apo mo. Naaksidente na nga, papagalitan mo pa?" Save me lola Tinidora. Siya lang naman ang kakampi ko sa lahat ng bagay.

"Sorry na po, hindi ko rin naman po inaasahan 'yon, eh, pero baka po kasi nag-aalala na siya kasi po bigla na lang akong sumigaw habang kausap siya at nawalan ng connection." Pagpapaliwanag ko sa kanila. "Pahiram naman ako ng phone, please."

"Oh, ito, Ija, mayro'n 'yang internet." Inalok ni lola Tidora ang cellphone niya. Medyo hirap nga lang ako sa paggamit nito dahil hindi ako sanay na left hand ko ang gumagalaw. Naawa na nga rin siguro sa akin si Krystal at siya na ang naglog in sa skype ko.

"Babayaran ko na ang bills, maiwan ko muna kayo."

"Sama ako, Ma."

Lumabas silang dalawa at sumunod rin si papa, ang mga lola naman ay inaayos na nag dinalang gamit para sa akin dahil nga lalabas na kami mamaya. Pagkalog in na pagkalog in ko ay nakita kong naka online si Alden kaya tinawagan ko na siya. Ang bilis nga niyang sinagot ang tawag, eh.

"Finally, anong nangyari sa'yo bakit bigla kang nawala kahapon? Nag-alala ako sa'yo, okay ka lang ba?"

In-explain ko sa kanya na nabangga nga ako at tama ang napredict niya sa panaginip, nagalit pa nga siya sa akin dahil ang kulit ko raw dahil hindi ako nag-iingat. Hindi ko naman kasalanan 'yon, eh, 'yung driver 'yon. Pero nakita ko sa mga mata niya na nag-alala nga siya nang husto, ang laki na nga rin ng eye bags niya na paniguradong hindi pa ito nakakatulog simula nang mawala ako sa linya kahapon.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko kahapon sa pag-aalala. Magpapareserve na nga sana ako ng ticket para umuwi ng pilipinas, eh, ito, itong eye bags kong ito," Tinuro pa niya ang ibabang mata niya. "Ito ang saksi sa lahat. Hindi ako naka tulog hanggang hindi ko nalalaman ang kalagayan mo." Nakahinga na siya ng malalim, medyo nangingiti narin siya kahit papaano. "Pero buti na lang at okay ka na."

"Sorry kung pinag-alala kita, ah." Tumango naman siya.

"Sorry rin kung wala ako riyan sa tabi mo para protektahan ka."

Kinilig naman ako , pati nga si krystal ay napangiti sa narinig niya, eh, kaya nag thumbs up pa ito sa akin at bumalik din naman agad siya sa ginagawa nilang dalawang magboyfriend.

"Bakit naman kasi sobrang layo natin sa isa't isa." Bigla nanaman siyang lumungkot. Kitang-kita ko sa mga mata niya na sincere talaga siya sa pagmamahal na ibinibigay niya sa akin.

Hindi naman namin kasalanan na malayo kami sa isa't isa, siguro ay sinusubukan lang kami ni God kung gaano nga ba tatatag ang relasyon namin. That distance is just a test to see; how far can love travel. Siguro nga distance can be measured pero ang pag-ibig namin sa isa't isa ay hindi nasusukat. Sabi nga niya, tiwala lang. Tiwala lang na magwowork parin ang ganitong set-up na hindi dapat namin minamadali. Sa sinasakripisyo naming ito ay nakakasigurado akong susuklian ito ng maganda ng Diyos. Sa tamang panahon..

Nagulat na lamang ako nang biglang magsalita si lola Nidora. Patuloy parin naman siya sa pagliligpit ngunit ang atensyon niya ay nasa amin ni Alden.

"Ang tunay na pag-ibig, kahit hindi kayo magkapiling ay nararamdaman. Ang tunay na pag-ibig, kahit hindi nagkikita ay pinapahalagahan at iniisip ang isa't isa! Iniisip ang kabutihan! At hinihintay ang tamang panahon." Umubo pa ito ng mahina at may kadugtong pa siyang sinabi. "Sa pag-ibig, walang malalim na dagat. Sa pag-ibig, walang malayong landas." Bigla naman niyang pinukpok si lola Tinidora dahil sa paggaya nito sa kanya, para bang dinadubsmash nito ang sinasabi ni lola Nidora. "Magkalayo man kayo, kung pareho naman ang isinisigaw ng puso ninyo.. Edi wow."

Pasimpleng tumawa sila Krystal sa mga naririnig nila, kahit ako ay natawa narin kaysa magmukmok na. Nabuhayan na ako ng loob sa mga naririnig ko. Sabi ko nga, distansya lang 'yan at hindi niya mapuputol ang koneksyon namin sa puso.

"Tama naman si lola, 'wag kang mag-alala darating din tayo sa puntong ikaw at ako lang, walang screen na namamagitan. Hintayin lang natin ang oras na iyon. Okay? 'Wag ka na mag-isip ng mga gano'ng bagay, ah." sambit ko ay Alden at ngumiti naman siya.

"Sige, para sa'yo ay kakayanin ko. Para sa'yo tatatagan ko ang loob ko. Handa akong maghintay sa puntong maghaharap na tayo. Basta ipangako mo lang sa akin na sabay tayong maghihintay sa pagkakataon na iyon, ah, 'wag mo kong iiwan dahil hindi ko alam kung anong gagawin kung ako na lang mag-isa ang umaasa."

"Promise."

Bigla niyang kiniss ang camera kaya naman nagulat ako. Hindi ko kayang kiligin ngayon dahil sumasakit ang braso ko kaya napatawa na lang muna ako ng malakas. Napatingin pa nga sa akin ang mga lola. Grabe lang na live na live ang pag-uusap namin, pati sila Sam at Krystal ay naririnig ito.

"Ipangako mo rin sa akin na hindi ka mapapagod maghintay?"

"Pangako. Mamatay man."

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Where stories live. Discover now