Omegle 8

3.9K 143 1
                                    

Yakap ko si Minie mouse ngayon, 'yung ibinigay sa akin ni Angel. Oo, 'yung bata sa enchanted kingdom. Alam ko may pangalan 'to, eh, teka aalalahanin ko muna. Ya~.. Ano nga ba 'yon. Yayadub? Mali. Malapit na, nasa dulo na ng dila ko 'yung kasagutan. Ito na. Ito na! Ah, okay. Ito si Yadub. Bakit kaya Yadub? Haha medyo baduy 'noh. Pero cute naman kaya okay lang.

Pero hindi talaga ako makapagmove on sa nangyari kahapon, eh. Nanghihinayang parin ako na hindi kami nakapag-usap. Ayun na 'yung pagkakataon ko pero nasayang pa. Sinayang ko lang!

Kagabi, sinusubukan ko pa ulit i-connect 'yung usapan namin sa omegle pero wala na talaga, eh. Walang Maiden. Walang Alden, Walang kahit anong bagay na tungkol sa kanya. Hindi na ako naka tulog nang maayos para sa kanya. Bakit ba? Bakit ba ganito ako? Baliw na. Parang kailan lang iniiyakan ko sila Sam at Krystal pero ngayon ibang tao na ang inaalala ko.

Nagyoutube muna ako habang wala pang senyales na makaka-usap ko siya. Naka auto play kaya hindi ko na kakailanganin pang ipalipat-lipat ito, hanggang sa....

Nababaliw na ako sa iyo.. Ako'y litung lito.. Naloloka, nahihibang sa kaiisip sa'yo

Sakto 'yung chorus para sa akin, nananadya ba ang tadhana o nang-aasar lang?

Lord, kung nakikinig ka man. Please po! Gusto ko na siya maka-usap, promise po tutuparin ko 'yung sinabi ko kahapon. 'Yung about sa skype thingy basta makapagchat lang ulit kami. Gusto kong i-clarify itong nararamdaman ko.

Ang weird lang naman 'di ba kung nararamdaman ko 'to ng walang dahilan. Imposible 'yon kaya ito lang ang namumukod tanging bagay ang naiisip ko para maka hanap ng kasagutan. Hindi ako susuko hanggang hindi ko siya matagpuan.

Ito lang ang mahirao sa Omegle. Wala kang katiyakan kung mahahanap mo ba ang taong hinahanap mo, walang kasiguraduhan kung online ba siya o hindi. Palaisipan ang bawat bagay sa site na ito. Hindi magandang ideya na ito ang gamitin naming communication, sa moderno naman na kasi ng mundong ito bakut hindi man lang niya hiningi ang facebook ko, twitter, viber, we chat, at kung anu-ano pa. Bakit siya nagstick lang sa Omegle. Literal na stranger lang talaga kayong dalawa.

Minsan nga naiisip ko, hindi kaya computer lang talaga ang kausap ko? Na nakaprogram lang ito at ako namang si tanga, paniwalang-paniwala na 'wag naman sana. Pero paano kung totoo nga? Ay jusmiyo, erase erase erase. 'Wag kang mag-isip ng mga bagay na ganyan. Mas lalo ka lang mababaliw, Maine.

Ang masaya pa ay nawalan ng internet connection. Padabog akong lumabas sa kwarto para i-refresh ang wifi namin kaso mas naunang dumating doon si ate. Naka tingin lang siya sa akin habang naka simangot ako. Dahil nagawa narin naman niya ang gagawin ko ay bumalik na lang ako sa kwarto.

"Meng?" Lumingon ako sa pintuan at nakita kong naka dungaw si ate.

"Bakit?" Sagot ko.

Hindi siya agad sumagot at dahan-dahang lumapit sa akin at tumabi sa kama habang ako'y busy parin sa pagsesearch kay Alden.

Sinilip rin ni ate kung anong ginagawa ko. "Omegle?" Napahinto siya. "Ano 'yan?"

"Basta." Halata naman sa sagot ko na ayokong magpaistorbo 'di ba. Pero parang gusto kong ikwento ang lahat kay ate. Sige na nga tutal wala pa naman siya. "Ate.." Bumuntong hininga pa ako.

"Oh?" Nakatitig lamang siya at hinihintay ang susunod na sasabihin ko.

"May naka chat kasi akong stranger dito. Parang simsimi lang pero computer lang kausap mo do'n pero dito kasi sa omegle ay random na tao ang makakausap mo hanggang sa mangyari na nga 'to." Humarap ako kay ate. "May lalaking nagpayo sa akin dito nung mga panahon na problemado ako, super duper napagaan niya ang loob ko at ang bait pa niya. At hindi lang doon natapos ang pag-uusao namin dahil nasundan pa ng nasundan pero pahirapan pa kung kailan mo malalaman dahil once na nagdisconnect ka mahirap nang hanapin pa ulit pero dahil may similar likes naman kami ay may chance na makapag-usap ulit kami kung online kami pareho."

"Oh, tapos?" Pagputol ni ate.

"Hindi ko alam pero I feel incomplete kapag hindi ko siya nakakausap,eh, parang hindi mabubuo ang araw ko. Tapos kapag kausap ko naman siya ay natutuwa ako. Hindi ko na malaman kung ano ba itong nararamdaman ko? Mahal ko na ba siya? Pero---"

Biglang pinutol ni ate ang karuktong ng sasabihin ko. "Infatuation lang 'yan. Panandaliang pagkagusto lang 'yan sa taong 'yon dahil baka may nakita o na feel ka sa kanya na gusto mo. Kaya ngayon para ka nang baliw kakaisip. 'Wag kang mag-alala mawawala rin 'yan at hindi magtatagal."

"Siguro nga.." Pagbaling ko ng tingin ko sa laptoo ko ay may naka connect na sa omegle ko.

You're now chatting with a random stranger. Say hi!

You both like Maiden

Stranger: Galit ka ba sa akin? Bakit ayaw mo sumagot sa chat ko?

Stranger: Pasensya na kahapon, sinabi ko namang hindi ako magdidisconnect hangga't hindi ka nagreply pero bigla kasing nawalan ng internet connection kaya kusang nagdisconnect ang masakit pa ay ngayon lang bumalik.

Stranger: Ayaw mo nanaman sumagot? May nagawa ba ako?

Stranger: Haist..

Nakita ko 'yung sunod-sunod niyang chat at halos magulantang nanaman ako. Napasigaw pa ako at sinipa ko si ate dahil sa gulat. Pati tuloy siya ay nagulat dahil sa ginawa ko.

"Bakit?" Tanong niya?

"Mamaya ko na ipapaliwanag. Baka mawala ulit siya."

Binilisan ko na ang pagtatype ko para maisend ko na sa kanya at hindi na madisconnect pang muli.

You: I'm so sorry kung ngayon lang ako naka sagot. Naging busy lang ako kasi umuwi 'yung mga lola ko galing ibang bansa at nagbonding kaming lahat. Pagod na kaya wala ng time oara magbukas pa ng laptop. Sorry kung pinaghihintay kita, ah. Bawi ako.

Pagka-enter na pagka-enter ko ay lumabas nanaman ang katagang Stranger has been disconnected. What the fuck? Seriously?

"WAH!" Sa inis ko ay bigla ko na lamang in-off ang laptop ko. Masyado akong pinaasa. Masyado narin akong nasasaktan. Ayoko na, titigilan ko na 'to.

"Ano nanaman 'yon?" Tanong nanaman ni ate na may halong pag-aalala sa mukha.

"Paano, nagchat nanaman siya at ang masakit aumy biglang nagdisconnect."

"Bakit mo pinatay? Baka nawalan lang ulit ng connection, sabi nga niya 'di ba kahapon daw ay nawalan kaya bigla siyang nawala."

So binasa pala niya 'yung chat. Ang galing, kaya pala nananahimik siya kanina.

"Ayoko na talaga! Nananadya na talaga, eh. Bakit ba kasi siya biglang magdidisconnect?"

"Alam mo, Meng, hindi mo mapapakiusapan ang bawat tao. Kung ano man ang gusto nilang gawin ay ayon ang masusunod." Hinagod pa niya ang likod ko para pakalmahin ako. "Baka hindi pa nakatadhana para sa inyo ang mag-usap ulit. 'Wag mo kasing madaliin ang bawat bagay. Okay?"


〰〰〰〰〰〰
(A/N: Hi guys, nais ko lamang humingi ng paumanhin kung may mga typo ang bawat chapter ng story na ito. Wala pang time para baguhin pero i-eedit ko ito sa tamang panahon. Haha salamat. Enjoy reading. Spread love!)

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Where stories live. Discover now