Forty First

3.4K 102 6
                                    

Bago lumubog ang sikat ng araw ay pumunta na kami ni Alden sa gilid ng dagat, panuorin raw namin ang sunset. Gusto ko rin naman makakita ng breathtaking view kaya mas excited pa ako sa taong excited, tapos tignan mo, 'yung taong mahal mo pa ang kasama mo na makasaksi sa pangyayari na 'yon. Priceless ang saya na mararamdaman mo sa puso.

Pinagmasdan ko siyang ilatag sa buhangin ang telang dala namin habang ako naman ang may hawak ng dalawang unan na gagamitin namin kapag humiga na kaming dalawa. Hindi lang kami ang tao rito dahil may mga kasabay rin kaming naghihintay ng sunset dito, malamang mga couples din ang mga ito. Nahiya na nga ang asukal sa tamis nilang lahat, naiinggit na tuloy ako. Ito naman kasing kasama ko ay naka tingin lang sa langit, hindi man lang makaramdam? Napabusangot tuloy ang mukha ko.

"Problema mo?" Hindi ko namalayan na naka tingin na pala siya sa akin, pero wala akong paki at hindi ko siya pinansin. Mas gugustuhin ko na lang tignan ang mga sweet couples na naglalambingan sa gilid. "Sila ba ang dahilan ng mga simangot na 'yan?" Tanong niya.

Umiling lang ako at tumayo sa pagkakahiga. Magwawalk out sana ako kaso ang babaw naman kung gagawin ko 'yon. Siguro ito nga ang pakiramdam ng mga babaeng napapanuod ko sa t.v na nagtatampo-tampuhan kuno sa boyfriend nila para lambingin sila. Gusto ko sana ngumiti kaso masisira 'yung moment ko sa pagdadrama kaya 'wag na muna. Iba pala talaga sa pakiramdam kapag taken ka na. Naramdaman ko na lang na tinutusok-tusok niya ang tagiliran ko, kaysa makiliti ako ay nasaktan lang ako. Buto po 'yung tinatamaan niya. Masakit!

"Ehem." Umubo pa siya ng peke. Akala naman niya ay madadala ako sa pagpapacute na gano'n? Hay nako, buti pa 'yung katabi naming magboyfirend at girlfriend ay nagsusubuan ng kinakain nila. Samantalang ako, nandito nakaupo.

"Do you see that water? It seems just shallow sea but when you jump there you will notice that it is deep. I can relate it on what I feel for you. If you think that I don't love you, you are wrong because every day I'm falling for you and my feelings become deeper and deeper. Even I'm not using sweet actions please believe in me... You are the only person who drives me crazy and in the same time makes me feel that I'm part of you..."

Napatigil ako sa pagdakot ng mga buhangin at napanganga. Anong pumasok sa utak ng lalaking ito at bigla-bigla na lamang babanat ng gano'n? Lagi na lang niya akong hindi iniinform sa mga gagawin niya kaya tuloy it's either masayahan ako or maging malungkot ako. Tapos bigla niya akong inakbayan. Kung akala niya na makukuha niya ako sa paganyan-ganyan niya ay oo, tama nga siya. Bigla akong napangiti.

"Oh, kaya ba ng mga boyfriend nila 'yan?" Tumawa siya, nako kumakaway nanaman sa akin 'yung dimples niya. Teka nga at mabawian ang isang ito.

"Doesn't matter where I am. Thoughts of you still linger in my mind. No matter what time of day, I've really, really fallen for you." Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

"Ay, babanat narin ba ang baby heart ko?"

Bigla akong natawa ng malakas kaya naman napatingin sa akin 'yung katabi naming couple. Hindi pa naman ako tapos pero nagrereact na siya. Excited. "I've fallen for you, finally, my heart gave in and I'm fallen in love. I finally know how it feels. I've fallen for you. Finally, my heart gave in. And I'm fallen in love. I finally know how it feels. So this is love." Pagtapos kong bitawan ang mga linyang iyan ay bigla ko siyang pinaghahampas sa braso habang tumatawa parin. Naluluha na nga ako sa kakatawa dahil clueless parin siya.

"Masyado ka na atang kinikilig. Masakit na 'yang hampas mo." Tumatawa narin siya sa pagkakataong ito, nakipagsabayan na. Ang ingay lang naming dalawa.

"Seriously? Galing lang kaya sa lyrics ng kanta 'yung mga sinabi ko sa'yo, hindi mo nahalata?"

Tumaas pa ang kilay nito at nag-isip. "I've fallen for you. Tenenenen." Nilagyan na niya ng tono at malamit na nga niyq mahulaan. "Parang pamilyar nga." Nagkamot siya ng ulo hanggang sa ngumiti siya ng malapat at pinisil ang dalawa kong pisngi. "Galing sa kanta ni Toni Gonzaga na I've fallen for you. Ikaw talaga."

Love Has No Distance  ✅ [Will Be Revised Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon