Chapter 38: My Hottie Teacher (Part 2)

26.1K 676 110
                                    

Neneng POv

Sa wakas ay natapos na din ang "introjuice myself " hai! Ang simple lang pala eh. Tong si Dong my pa follow follow the leader pang nalalaman.

" Very good wife! Alam mo na kung paano magpakilala ng iyong sarili." Nakangiting sambit ni Dong.

" Ngayon naman.... Isang interesting conversation ang pag-aaralan natin." Sambit ni Dong sabay ayos ng salamin niya.

" Interest? Yung interes? Hala! Baka mahal yan! Naku Dong huwag nalang tayo makipagusap! Pag malaki interes naku sigurado akong butas yang kupita mo." Sambit ko.

" Neng... wala kang babayaran sa interest.... Ang ibig kung sabihin yun bang kapakipakinabang na pag-uusap... yung hindi ka mababagot." Pagpapaliwanag ni Dong.

Tumango tango ako. meron palang interest na hindi binabayaran! Hihihihihihihi.. ngyon may alam na akong bago.

" Ok.... So isa sa interesting topic ay yung hobby ng kausap mo... uunahan na kita... ang hobby ay yung pinakagusto ng tao gawin kapag walang ginagawa." Sambit ni Dong

" OOOHHH.. GANOON PALA YUN! HEHEHEHE"

" Kunwari ako yung kausap mo.." sambit ni Dong.

" Dong ikaw naman talaga kausap ko ngayon... Hindi mo na kailangan pang magkunwari." Sabi ko.

(=___=)--> mukha ni Dong

" Ahehehehhe.. sabi ko nga ikaw kunwari ang baliw... este ang kausap ko." sabi ko.

Bumuntong hininga si Dong.

" Hello Im Nathan Clyde Hoseff.. and you?"

" Good evening sir, Im Elene Marriana Rosa Anita Millagrosa V. Hoseff, the wife of the hottest guy on earth, Mr. Nathan Clyde Hoseff.... " natigilan ako.

"| Dong ikaw naman yun eh.... " sabi ko sabay kamot sa ulo.

" I know.... Just pretend you don't know me." Sagot niya.

" ok..." tumango tango ako.

" Ahem! Uh.... I've heard you love to cook...is that your hobby?" tanong ni Dong

Di ako sumagot at nagpalinga linga lang sa paligid.

" Wife?" tawag ni Dong at naghihintay ng sagot ko.

Di ko siya tinignan.

"Wife?!" mas malakas na tawag niya.

Di parin ako sumagot.

Hinawakan ni Dong ang mga balikat ko at nilapit ang mukha niya.

(>///.//<) IIhhhh!!

Sus Gino-o! Bakit ang pogi ni Dong?!

" Neng?" namamaos na tawag niya sa akin at tinignan ako sa mata.

Bumibilis ang tibok ng puso ko sa mga titig ni Dong sa akin.

Maghulos dili ka Elena Mariana Rosa Anita Millagrosa!!! Baka mahalikan mo yan ng wala sa oras at mabuntis ka! Naku!!!

Mas nilapit ni Dong ang mukha niya sa akin.

" Wife......" bulong niya sa akin habang nakatingin sa aking mga mata.

" Ahhhh!" sabi ko sabay sapak kay Dong.

" Aray naman! What was that for?!" namimilipit na sambit ni Dong

" It's for you!!!" sigaw ko sa kanya.

Wanted: MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon