Chapter 20: Honeymoon adventure part 4

32.7K 793 44
                                    

Nathan Pov

Ang sakit sakit talaga ng katawan ko dahil sa pagod sa kakahanap kay Neneng. Binayaran ko na yung kinainan niya. Ipambayad ba naman ang Philippine Money sa France. Tanga talaga.

Nandito kami ngayon sa Star hotel Castille. Isa sa pinakasikat na hotel dito sa Paris. Mukha itong palasyo.

“ Wow! Ang gandaaaaaaaaaaaaaaaaaa!” bulalas ni Neneng na umikot na ng 360. “ Dong Ang ganda ganda ganda!” sabi ulit nito.

Kanina pa yan sa labas nagsasabi ng maganda..

“ Paulit ulit? Unli? Unli?” nakataas kilay kong saad.

“ Hahahahaahahah….Vice ikaw ba yan? ” Tumawa siya.

(=_=) “whatever.” Sabi ko at saka pumunta na sa reception area.

Naramdaman ko na nagvibrate ang phone ko. My dad sent a skype message.

“ Huwag kang kukuha ng extra rooms! “ sabi nito

(O_O) Teka……

Paano niya nalaman ang gagawin ko? Tinitigan ko ang paligid. Baka nandio siya at sinundan kami? O kaya nag hire siya ng detective.

Linibot ko ang paningin ko pero mukhang wala namang kababalaghan at katakataka. Pero paano nalaman ni Dad?

Nag vibrate ulit ang phone ko.

“ Ama mo ako Nathan.. Alam na alam ko ang tumatakbong kalokohan diyan sa matigas mong ulo.” Text nito.

(=_=) Wala akong  kalokohang iniisip. Baka siya meron? Tsssssss…..

Napalingon ako kay Neneng at tinitigan niya ang isang estatwa na naidisplay dito sa hotel.

“Neng tara na.” tawag ko sa kanya.

Namumula siyang lumapit sa akin at saka tinakpan niya mga mata niya gamit ang dalawang kamay.

Ano na naman ang pumasok sa kokote ng babaeng to?

“ Anong nangyari sayo?” tanong ko sa kanya.

“ Dong!! Magkakaroon ako ng kuliti!” naiiyak niyang sabi.

“Bakit ka magkakakuliti? “ tanong ko

Tinuro niya ang estatwang pinagmasdan niya kanina.

Nakahubad iyon. Walang tinatago. Isa iyong lalaking matipuno at kasing tikas ko.

Napa ngiti ako. Tsssss…. Pulang  pula talaga si Neneng. She…She looks cute.

“ Nakita ko yung……. Yung…. Yung….maliit na ahas sa  tapat ng mansanas” sabi ni Neneng na mas pulang pula.

“ Ahas? Wala namang ahas diyan ah.” Sabi ko at mas tinitigan ang estatwa.

“ Waaaaaaaaahhhhh” bulalas nito na pulang pula at tinulak niya ako palayo sa estatwa..

“ Dong! Magkakakuliti ka din! Sinilipan mo yung kapwa mong may ahas sa harap ng mansanas.” Sabi niya na tinakpan ang side ng mukha na nakaharap sa statwa.

“ Parehong may ahas?...Anong ahas ang tinutukoy mo?... Teka!... so Ang tinutukoy mo ay………” di ko natapos sasabihin ko.

(=_=) Nakalimutan kong Neneng pala tong kasama ko. Napaka inosente. Ngayon nabawasan na ka inosentehan niya dahil nakakita siya ng ahas sa harap ng mansanas. (=_=)Akalain mong yun ang tawag niya dun?

“ Ahhhhhhhhhhhhhhh! “ sabi niya at tumakbo palayo sa estatwa.

Buwahahhaahhahahahahahaha…. Nakakatawa talaga siya.

Wanted: MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon