Chapter 9: The Problem

34.4K 854 42
                                    

Nathan POV

"Oh anong mukha yan?" tanong ni Lancer sa akin

"Tsk... Napakagwapo at kinababaliwang mukha ng maraming babae." sagot ko.

 " Ang hangin mo talaga pare."prangkang sagot ni Lancer.

"Tsssss....." sagot ko

"Where's Micho and Laurence? Haven't you texted them?" tanong sa akin ni Lancer.

" May pinoproblema ang mga yun sa pag-ibig. " sagot ko.

"Ah!So ako naisipan mong etext dahil wala akong Love Problems?" Tanong nito

"Exactly! You're the Good Boy here..Kaya matutulungan mo ako." sabi ko at itunungga ang beer.

Nandito ako ngayon sa isang sikat na Club at nakikipaginuman sa matalik kong kaibigan na sa sobrang bait ay may nakareserve ng slot sa heaven. .

Si Lancer ang pianist ng banda namin na Head Guitars. Si Lancer ay gwapo rin.. pero syempre mas Gwapo ako. (A/N: (-____-) OO na Nathan Ikaw na!) Kaso itong si Lancer ay hindi pa nagkakagirlfriend dahil hindi pa daw niya nakikita si "The one" niya.

Gusto niya kasi na isa lang mamahalin niyang babae sa buong buhay niya.Kung baga first and last daw.

Oh diba Good boy! Siya nalang ata ang kilala ko na Mabait na hindi pa kinukuha ni Lord. 

"Uy! Pare bakit ba mukhang binagsakan ng langit at lupa ang mukha mo?" tanong ni Lancer na nakapalumbaba.

edi sana yupi mukha ko. Bagsakan daw ng langit at lupa! Hindi naman yupi mukha ko ah! Gwapo to! Sobrang Gwapo!

" Kaya ganito ang GWAPO kong mukha dahil sa kamalasan na nangyayari sa akin ngayon!" sabi ko.

" Bakit? anong kamalasan ang pinagsasabi mo?" tanong niya.

" Pare!! Im..... Im......" kahit sasabihin ko palang nasusuka na talaga ako.

This is a painful truth for me....

" Im.....

.......

........

......."



"Gay?!" gulat na tanong ni Lancer. sABAY YAKAP sa sarili niya.

(-____-) Ano bang klaseng imagination ang meron si Lancer. 

Grabe naman! Yun talaga naisip niya? 

" Hindi!! Patapusin mo nga ako! Sinisira mo ang effect effect ng sasabihin ko." sabi ko.

" Ano nga? Huwag mong sabihin na nakabuntis ka at napikot ka.." sabi ni Lancer na umiinom na ng beer.

(-____-) "Tama ka Dude! Yan nga......" nasabi ng isip ko.

Kahit kailan talaga ay nahuhulaan nitong si Lancer ang mga nangyayari. May lahi ata itong manghuhula eh.

" How did you know?" tanong ko.

Biglang naibuga  ni Lancer ang iniinom na beer.

"So Nakabuntis ka?! " gulat na gulat na sabi ni Lancer sa akin. Nakahawak naman siya sa may gitnang dibdib niya.

" NGAYON KA LANG KINARMA?! aNG TAGAL MO NG PLAYBOY!" sambit niya pa.

Tae. kaibigan ko ba to? Gusto niya bang makarma ako?

" Tsss.. Oo. and Im getting married next week." sabi ko.

"Woah! Pare!! Ilang months na ba ang dinadala ng napabuntis mo?" tanong ni Lancer..

Wanted: MommyWhere stories live. Discover now