Chapter 67.1 When Love and Truth Find the Ways

16.1K 321 47
                                    

Author's note: First time na sa start ako nag post ng author's note. hahaha. anyway I divided the last chapter into 2 parts. since ang dami ng bumabaha sa akin ng message na mag update ay pagbibigyan ko na. hahahah. I'll post the part 1 now and part 2 will be tomorrow. Yes! tomorrow kasi hindi ko makita sa file ko ang natapos kong part 2. huhuhuhuhuhuhuhu. 

Wala akong maisip na title sa last chapter. hahahah. suggestion naman dyan. Thanks for reading and Enjoy:)

===================================================================================

Neneng Pov

Naglakad ako papalayo sa bahay ni Dong.

Hindi totoo ang lahat ng sinabi ko.

Lahat ay pawang kasinungalingan.

Hindi iyon ang sinisigaw ng puso at isip ko. Mahal ko siya. Mahal na mahal at iyon ang totoong sinisigaw ng buong pagkataO KO. Siya lamang ang lalaking minahal ko ng ganito. Siya lang ang lalaking may hawak sa puso ko. Siya lang ang tanging lalaking mahal, minahal at mamahalin ko. Ngayon, noon at Mag pakailanman.

Walang iba at kahit kailanman ay walang papalit pa.

Tulala akong naglakad at pumasok sa kotse ni kuya jadon .

" umalis na tayo" sambit ko habang patuloy na nilalabanan ang sakit sa puso ko. Kailangan kong tatagan ang sarili ko. Kailangan kong labanan ito para sa kanya. Para sa mga bata. Para sa mga mahal ko sa buhay.

Napapikit ako dahil pahapdi ng pahapdi ang kirot sa puso ko.

Paulit ulit kong hinihiling na sana isa lamang itong masamang panaginip. Hinihiling ko na sana ay pag gising ko sa bangungot na ito ay ang mga ngiti at masasayang mukha nina Dong at ng triplets ang makikita ko. Na kasama ko parin siya simula sa pagsikat at hanggang sa paglubog ng araw.

" NENG!!!!" nadinig ko ang boses ni dong.

Nakita ko siyang nakatingin sa akin. Nakikita ko ang mga luhang umaagos sa mga mata niya. Ang sakit na nararamdaman niya ay pawing inilalarawan ng buong mukha niya.

Pinagkakatok niya ang bintana ng kotse.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at diretso ang tingin sa kalsada.

" Buksan mo to wife... please... magusap tayo!" sambit niya at patuloy na pinagkakataok at subukang buksan ang pintuan ng kotse ni kuya Jadon.

" p-paandarin mo ang kotse Kuya." Sambit ko at mariing nakakapit sa seat belt.

Tahimik na sinunod ni kuya Jadon ang sinabi ko.

Naramdaman ko ang pag andar ng makina.

" wife! Wife!" mas malakas na pagkatok ang ginawa ni Dong.

" huwag kang umalis wife......huwag mo akong iwan! Please...Nenenggg!!! " nadidinig kong sigaw ni Dong habang hinahabol ang kotse ni JAdon.

Nanlalabo na ang mata ko dahil sa luhang namumuo sa mata ko.

Patuloy ang pagtakbo ng kotse at palayo ito sa tahanang nagbigay sa akin ng magagandang alaala, ang tahanang punong puno ng pagmamahal at kaligayahan. Hindi ko na napigilan at sumabog na ang pinipigilan kong totooong damdamin.

Paliit ng paliit si Dong sa salamin ng kotse ni Kuya Jadon. Patuloy ito sa pagtakbo. Sa pagtawag sa pangalan ko.

" NENGGGGGGGGGGG!!!!"

Napatakip ako sa bibig ko habang umiiyak.pero hindi ko na napigilan ang sariling damdamin ko dahil napasigaw ako sa sobrang iyak at sakit na nararamdaman ko.

Wanted: MommyWhere stories live. Discover now