Chapter 26.1 Jealousy Overload

29.5K 664 31
                                    

Nathan Pov

 " Aish ang sakit ng ulo ko grabe......"

" Sir.... Bumangon na daw kayo." Biglang tawag ng isang babae.

Napamulat ako bigla..

Nasaan ba ako? Nung maalala ko nasa bar ako.

Tumayo ako sa higaan at nahihilo na inobserbahan ang paligid.

W-wait.. this is my room in Dad's house.....

" Sir... bumaba na daw kayo. Handa na po ang agahan niyo." Sabi ulit ng katulong.

" Yeah." Sagot ko lang at bumaba narin sa dining area.

Napatigil ako ng Makita ko si Neneng na naka upo. Nandoon na din si Ysabelle, my brother, my sons and Alex Ydrian, Naizer's son  and Dad.

Tsk.. Wednesday pala ngayon so dito kami umuuwi sa bahay ni Dad.

Nagkatinginan kami ni Neneng.

" G-Good M-morning D-dong.' Sabi niya at saka umiwas ng tingin.

At least she still speaks to me.

" Upo." Sambit ni dad.

Wow ah. Para naman akong aso sa tuno ng paguusap niya sa akin.

Nagbuntong hininga ako at saka  umupo sa upuan na katapat lang ni Neneng.

" Naglasing ka kagabe." Biglang sambit ni dad.

" Yeah."  Diretso kong sagot.

" For God's sake Nathan! You are not a single man! You have a wife! You shouldn't act like this! Like a reckless teenager!" sigaw ni Dad.

Highblood na naman siya.

I  didn't say anything but started drinking the coffee.

Tahimik lang ang lahat sa mesa. Nag aantay ng sagot ko.

" Siya nga pala.... Neneng will start her schooling today...She's going to take up culinary arts in the same school that you are attending." Sambit ni dad.

Napatigil naman ako sa pag inom.

" Don't worry about the kids... they will be taking care of   by Bernard, Benji and Berto. " sambit ni Dad.

"You are going to guide her in school today, Nathan." Samit ni Dad.

" Bat ako pa? Mas close sila ni Lancer. Pwede namang si Lancer ang mag gabay sa kanya. Di ba Neng?" sambit ko at uminom ng kape.

Nagkatinginan silang lahat sa mesa.

Ngumisi naman si Naizer sa akin.

" What the f*ck are you smiling at?!" inis kong tanong kay Naizer.

*boogshhh*"

Bigla naman akong binatukan ni Dad.

" What was that for!" galit kong bulalas kay Dad.

" Don't speak any bad words when you are in front of the food." Galit na sambit ni Dad sa akin

Pwede namang sabihin niya sa akin eh.  May batok talagang kasama. Tsss... SADISTA TALAGA.

Tumahimik na ang lahat at kumain. 

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako at naligo. Tapos nag bihis.Kinuha ko na yung backpack ko at saka bumaba.

Pumunta ako sa kwarto ng mga anak ko para sana magpaalam. Kaso nakita ko na nandoon si Neneng.

" Bye bye mga anak.. Ingat kayo dito ha.. Bawal mag bad bad. Ok?  Gagalingan ni Mama sa school." Sabi niya doon sa tatlo na nakatingin sa kanya.

Wanted: MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon