Chapter 63.3: Sad Goodbyes (part3/3)

13.7K 375 101
                                    

Neneng Pov

Bumalik ako sa bahay namin ni Dong. Hindi ko na alam kung tama ba itong ginagawa ko. Ang gusto ko lang maging Masaya na ang mga bata at si Dong.

Alam kong miss na miss na din si Dong ng mga bata at ganoon din si Dong.

Nagbuntong hininga ako. Kailangan kong magsakripisyo para sa ikakatahimik ng lahat. Sabagay si Daiselle naman talaga ang sa una palang dapat pinakasalan at hindi ako.

Pinihit ko ang pintp at kaagad pumasok sa loob ng bahay.

Pagkaharap ko ay nakita ko si Dong na lumalapit at kaagad akong niyakap pagkakita niya sa akin.

" Saan ka nagpunta wife? Nag-alala ako sa iyo. Hindi mo sinasagot ang tawag ko." Narinig kong sambit niya.

" Uhmmm.. P-pumunta ako sa tindahan. Namili ako para sa hapunan natin mamaya." Sambit ko.

Ito na ang pagsisimula ko ng paraan para hindi ako magustuhan...

" Ganoon ba? Sana ginising mo ako para naman nasamahan kita." Sambit nito at tinignan ako sa mata.

Tinignan ko siya na parang naiinis.

" kaya ko sarili ko! Huwag mo nga akong tratuhin na parang wala akong silbi!" sambit ko na may tono ng pagkainis.

Nagulat ito sa sinabi ko.

Sorry Dong... kailangan ko itong gawin....

" S-sorry ... Hindi naman yan ang gusto kong ipahiwatig." Nasambit ni Dong matapos ang pagkabigla.

Natahimik ako at saka naglakad nalang papasok ng kusina.

" M-may Problema ba wife?" nadinig kong tanong nito mula sa likod ko. Sinundan pala niya ako sa loob ng kusina.

" Wala." Sambit ko lang at nilabas na ang mga sangkap.

" I think you have...You don't have to hide it.. Tell me about it." Sambit ni Dong.

Hindi ko siya sinagot.

" Come on.. Ayokong nagkakaganyan ka.." sambit ni Dong na may bahid ng pag-aalala.

Marahas kong ibinagsak ang palanggana.

" WALA NGA! Huwag mo nang ipilit na meron! Dahil wala nga! " naisigaw ko sa kanya.

Nakita ko na nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang bibig niya.

Ito ang unang beses na sinigawan ko siya ng ganito.

" O-ok." Sambit nito.

Binalik ko ang paningin ko sa aking Gawain.Hinugasan ko ng tubig ang isda at tinanggal ang hasang nito.

Tapos ay kinuha ko kutsilyo at nagsimulang hatiin yung mga isda.

Bigla kong naramdaman ang pagyakap ni Dong mula sa likod ko.

Natigilan naman ako.

" A-ano ba Dong.... Di ko mahati ng maayos.." sambit ko. Mas hinigpitan niya pa ang pagyakap sa akin.

" Namiss lang naman kita... tapos nagagalit ka pa sa akin... Sorry na wife... huwag ka ng magalit sa akin. Bati na tayo please... " sambit nito na puno ng paglalambing.

Napapikit ako.

" hindi naman tayo nag-aaway diba? Kaya bakit ka nagsosorry?" tanong ko sa kanya. Diretso at iisa lang ang tono.

Wanted: MommyWhere stories live. Discover now