Chapter 37: Password:I Love You

27.2K 740 119
                                    

Neneng pov


Nandito ako ngayon at nakaharap sa parang T.V na maliit tapos may keypad na pari haba na naka konekta sa T.V. Namamawis ako habang nakaharap ako sa maliit na T.V. may takdang aralin kasi ako eh.
Sabi ni Mam eh naka post daw sa website na Www.Pagkainnayummy.com .
Tinanong ko si Richie kung anong libro yan sa library. Tinawanan niya ako. kasi daw hindi daw yun libro yung Website...
Tingin ko diksyunaryo yun eh.

Author: : Neng! Websters yun! Hahahahahaha.

"Neng makikita mo yung website sa COMPUTER, laptop or tablet." Sagot ni Richie na nakangiti.
" Hehehehehehehehehe......... A-ano yun?" tanong ko.
Gulat na gulat si Richie na napatingin sa akin.
" Huwag mong sabihing hindi ka pa nakakakita o nakakagamit ng computer?!" gulat na bulalas ni Richie. Nakatingin lang ako kay Richie. Sabi niya kasi huwag kong sabihin sa kanya.
" Totoo ba Neng?" tanong niya. Hindi parin ako sumagot.
" Neng?"
" Pasensya na Richie... sasabihin ko na... kahit sabi mo huwag kong sabihin... Hindi pa ako nakakagamit ng computer, rooftop,at saka tabletas.." sagot ko.

Nakanganga lang si Richie sa akin. May kinuha siya sa bag niya at saka kinuha mula doon ang isang napakalapad na cellphone. parang libro ka laki.

" Ito Neng tawag dito ay Tablet." Sambit ni Richie.
(*O*)
" Wow! Richie! Ang laki laki naman ng cellphone mo!" sambit ko. kasi yung mga larawan ay parang katulad sa binili ni Dong na Cp.
" Hahahaha.. well para nga siyang cp kaso mas malaki siya at kailangan mo ng internet para magbrowse ng website."

Ano daw? Net? Mangingisda ata kami eh.

" Pwede ding sa computer..... tingin ko meron naman sa bahay niyo ng asawa mo eh." Nakangiting sambit ni Richie.

Napatingin ako sa knya. Nalaman na niya na si Dong ang asawa ko?

" Sa pagkakaalam ko kasi kompleto sa gamit ang bahay ni Nathan. Kaya imposible na walang computer dun." Sambit niya na nakangiti. Alam na nga niya na si Dong nga ang asawa ko... Ngumiti ako sa kanya.

" Uhhh.. ano ba kasi ang itsura ng Computer?" tanong ko.

Inilarawan ni Richie sa akin at pinakita pa ang larawan gamit ang internet sa tablet niya. Nakaharap na ako ngayon sa computer na nasa bahay ni Dong. Pinindot ko ang napakalakig bilog. Kasi sabi ni Richie ganoon daw yun gumana.

Nung umilaw na ay nanakbo ko. huhuhuhuhuhuhuhuh.... Baka nasira ko ang computer ni Dong! waaaaaaaaahhhhh!!!

Nagtago ako sa may pinto. Nag-aalala rin kasi ako nab aka sumabog eh. Huhuhuhuhuhuhu....
Teka....pagsumabog ang computer..syempremagaapoy yan diba? Sige! Kukuha ako ng balade ng tubig at saka tabo. Para kung may pagsabog ay handa ako. Kumuha na ako ng balde at tabog. Sinalingan ko na din ng tubig.

Lumapit ako sa computer.

Tapos may binasa ako... Press F1 daw. Nanginig akong lumapit sa computer habang yung isang kamay ay may hawak na tabo ng tubig.

" Anong ginagawa mo wife?" biglang may nagsalita sa likod ko. Sa sobrang gulat ko ay naitapon ko ang tubig sa nagsalita........

" H-HELLO D-dong........" sambit ko. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!! Seryosong nakatingin lang si Dong sa akin.....Tumatalim ang tingin. (>O

"S-sorry na Dong... ginulat mo kasi ako eh....." kinakabahang sabi ko.

Basang basa si Dong yung buong t-shirt na puti ay bumakat sa kanya. Lumapit ako at saka pinunasan ang damit ni Dong ng panyo ko.

" S-sorry talaga Dong." sabi ko habang pinupunasan ang dibdib at tyan ni Dong na nabasa.

Pero unti unting namula ang pisngi ko...... Eh kasi naman..... bakit ang titigas ng mga nakakapa ko. (>..
Ang tikas talga ni Dong!!!! Pwede na siyang sumali sa Mr.MachoMan 2015 o kaya naman sa Mr.Ulam...

Wanted: MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon