Chapter 27.2: Say Sorry My Dong part 2

28.2K 747 61
                                    

Neneng Pov

Takbo lang ako ng takbo...Ang sama sama ni Dong. Ang sama!

Sinira na nga niya yung cellphone ko ay pinagsalitaan niya pa ako ng masama..

Hindi ko alam kong saan ako dinala ng paa ko. Basta takbo lang ako ng takbo.

"IKAW! ALAM MONG MAY ASAWA KA NA AY NAGLALANDI KA PA?! HINDI KANA NAHIYA?! KAHARAP MO AKO TAPOS TATAWAGAN MO YANG LALAKI MO?! AKALA KO INOSENTE KA! YUN PALA PA INOSENTE INOSENTE KA LANG! AKALA MO KUNG SINO KANG------"

Ang sama mo talaga dong!! Nakakainis ka! Wala naman akong ginagawa sayo!

Napatigil ako sa may playground at napaupo sa swing.

Napatingin ako sa wasak na cellphone ko. pInaghirapan to ni Tatang para mabili... tapos sinira lang ni Dong.

"IKAW! ALAM MONG MAY ASAWA KA NA AY NAGLALANDI KA PA?! HINDI KANA NAHIYA?! KAHARAP MO AKO TAPOS TATAWAGAN MO YANG LALAKI MO?! AKALA KO INOSENTE KA! YUN PALA PA INOSENTE INOSENTE KA LANG! AKALA MO KUNG SINO KANG------"

Mas tumindi ang iyak ko.

Pinilit kong ayusin ang cellphone na bigay ni Tatang pero hindi na talaga.. yung takip niya humati sa dalawa.. yung salamin ng cp ko nagbasag.

Ok lang sana kong hindi sinadya ni Dong..pero hindi eh... sinadya niya talaga....Na-nagagalit ako sa kanya... Ayaw ko siyang kausapin...Ayaw ko siyang makita...

Na-alala ko ko kung paano ako nagkaroon nito.... Hindi bumili si Tatang ng gamot niya para lang mabili to. Nagpupuyat siya para lang makabili nito.. tapos sisirain at wawasakin lang ni Dong..

Humagulgol ako ng iyak.

" Patawad tatang......" bulong ko at niyakap ang sirang cellphone

Umiyak lang ako ng umiyak sa playground. Hindi ko alam kong ilang oras na.. pero dumidilim na.

Ang sama talaga ni Dong.. gusto ko talaga siyang awayin.. kaso turo sa akin ni Tatang na masama makipag away.

"Neeeeeeeeeeeeeeeeeeeennnnnng!!!" Biglang may nadinig akong tumawag sa akin..

"NnneeeeeeeeNnnnnneeeeeeeeeeeeeeeeeeennnnng!" mas malakas na tawag.

Hindi ako nakasagot. Alam ko kasing kay Dong yung boses na yun.

Tumayo na ako at umalis na don. Ayaw ko muna siyang makita. Ayaw ko rin na awayin siya.

Nathan POV

Aish! Kains ! asan na ba si Neneng! Gumagabi na at hindi ko parin siya mahanap. Nagpunta na ako sa field, sa school at sa kung saan saan.

Hinihingal na nga ako at namamaos sa kakasigaw ng pangalan niya.

Hai! Saan na kaya yun nagsususuot?! Grabe! Ang galing niya magtago ah.

Napatingin ako sa relo ko. Alas syete na ng gabi.

" Neneng!..."

"WIFFFFEEEEE!"

" Daaaarrlllliiinnnggg!"

" Swwweeet!"

" Loooovvvveeeee! "

(=_=) Tssss.. Lahat na ng tawag ko sa kanya ay sinigaw ko na. Hindi pa rin siya lumalabas o nagpakita.

Ay.... Baka isipin nun na mga babae ko yun. (=_=) Aish! Kinakabahan na talaga ako.

Im sexy and I know it.....

Im sexy and I know it.....

Ay may tumatawag. Masagot nga.

"Yo?"

Wanted: MommyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang