Chapter 7: False Alarm

38.1K 843 67
                                    

Neneng POV:

Buwahahahahahah.. Kawawa naman si Dong. Mukha siyang basang sisiw habang binibitbit ang mga bayong ko papasok ng bahay.

Sabi niya kasi kanina sa akin habang binabangungot siya ay: " Please Wakkkkeeeee Meeeee Upppp!" 

So ayun tinulungan ko siyang magising.

Sa katunayan winisikan ko na siya ng tubig pero hindi effective. Nag deliryo lang siya. Kumuha ako ng isang basong tubig at binuhos yun sa kanya pero nagwawala parin siya.. Nataranta ako..kaya yung ipapaligo ko sana ay binuhos ko sa kanya. Yung isang balde ng tubig.

Effective yun, dahil nagising siya agad.

Bagay pala sa kanya ang Wet look. bumabakat yung damit niya sa katawan niya. V neck pa naman ang suot niya. 

Sexy pala nitong si Dong. Hahahahha.

Kaso biglang naging halimaw yung mukha niya sa galit at inenglish ako pagkagising niya.
Una hindi ko na gets na ininsulto niya pala ako. Nung magtagalog siya ay doon ko lang nakuha na insulto pala yun.

Ako na nga ang nagmamagandang loob na gisingin siya sa bangungot ay ako pa ang masama?

Tsss...Akala niya gusto ko rin siya makasama? Hindi ano!

Sus! Pasalamat talaga siya kailangan kung pasalamatan tatay niya. Sa gwapo niyang tatay. (>O<)

Kasi naman, kung hindi dahil sa gwapo niyang tatay ay malamang wala na ako dito sa mundo.

" Mommy! Yow back!" sabay sabay na bati sa akin ng mga babies pagkapasok ko sa bahay ni Dong.

Back??? Likod ko??? Ay! Siguro nasesexyhan sila kay dong na nasa likod ko. Hehehehehehe...

" pasensya na mga babies kung umalis si mama." Sabi ko sa kanila.

Nagwalk out ako kanina diba? Kasi sabi ni Dong ay umalis daw ako dahil ayaw niyang mahawa sa katangahan ko. Hindi ako tanga.. sadyang walang alam lang.... Ay teka ganoon parin yun diba?

" Mommy!" isa isang gumapang ang mga babies papunta sa akin.

(>O<) Awwwwhhhhh... kaulumol nga mga lapsag uy! (Ang cucute na mga baby uy!) 

"Mommy Popo!" sabi ni Revelation

" Mommy Piggy ride Dada!" sabi ni Exodus

" Mommy Wiwi!" sabi naman ni Psalms.

Ang totoo niyan hindi ako sigurado kung sino ang nagsabi niyan.. hahahaha.. Hinulaan ko lang. Kahapon ko lang kasi sila na meet.

" isa isa lang mga baby ha... isa lang katawan ko. Hehehhehehe.." sambit ko sa kanila.

Tumango ang mga bata sabay yakap sa akin.
Ang lambing lambing talaga nila.

"Ouch! My back hurts! Where will I put this?" sungit na tanong ni Dong na nakitang hirap na hirap sa pagbuhat ng bayong ko.

Teka... ano daw?

Where?

Put?

This?

Will?

" Uhmmm.. Put there this..to...to.... there.. there is my bed, with ilaw sa tabi of Cabinet.. you close open the door then put over there up the sky." sagot ko.

(-_____-)-------> mukha ni Dong

Aheheheheheheh.. mukhang di niya na kuha..

" There! You go left straight, open, close... right,bed, ilaw,cabinet, open Up!" sabi ko with action pa.

Wanted: MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon