Chapter 30: Family Bonding Date: A Date with My Love

30.6K 731 71
                                    

Nathan POV

Walang pasok ngayon. Wala rin akong practice. Kahapon ay niyaya ko si Neneng na mamasyal at magfamily bonding kami. Kung tatambay lang kami kasi dito ang boring kaya naisip ko na magdate kami ni Neneng... este mamasyal kami kasama ng mga bata.

NAPATINGIN AKO sa relo ko.. alas 5:30 na ng umaga.

Actually kapag ganitong mga oras na walang pasok, hapon na ako gumigising. Bakit kaya ang aga aga kong gumising ngayon?

Konsensya: EXCITED KA MALAMANG DONG ! HAHAHAHAAH! Ikaw na Dong.

I SHAKE THE THOUGHT OFF. Bakit naman ako magiging excited? Tssss....Parang date lang namin ni Neneng eh.. ah este family bonding pala. (=_=)  ano ba naman to. Nagkakamali ako sa mga sinasabi ng utak ko. 

Dumeretso na ako sa shower at naligo. I ALSO DID MY USUAL ROUTINE.

After doing my usual routine ay lumabas na ako ng kwarto.

Sobrang tahimik ng bahay. Kinatok ko yung pintuan ng kwarto ni Neneng. Gigisingin ko yun para naman makapaghanda siya.

" Neng....*knock* *knock*"

Nagintay muna ako ng ilang sandali pero hindi niya pa binubuksan. Grabe tulog pa rin ba siya?

KiNATOK KO ULIT ANG PINTO NG MAS MALAKAS.

Biglang bumukas yun.




(O/////.///O)

biglang nanuyo ang lalamunan ko. Naginit ang pisngi at katawan ko.


Lumantad sa akin si Neneng na walang ibang saplot kundi ang tuwalya na hanggang gitnang hita ang haba. Kalalabas lang niya sa banyo at ang katawan niya ay may mga butil pa ng tubig.

Napasadahan ko ang kabuuan ni Neneng. Maputi at makinis ang balat niya. Mahaba at makinis din ang legs niya...May magandang hinaharap din pala ito at saka maliit ang beywang.

Napalunok ako ng laway. Naramdaman ko ang biglang paginit ng buong katawan ko. Talo ko pa ang may lagnat sa init na nararamdaman ko. AISH!!!!

" Good Morning Dong(^_^) Pasensya ka na kung di kita napagbuksan kaagad ng pinto. Kalalabas ko lang ng paliguan eh. May problema ba? May kailangan ka ba Dong?" malambing niyang tanong.

Tulala lang ako sa kanya at nakanganga...

Yung pisngi niya ay nagkukulay rosas.. yung labi ay nakangiti at nakakaakit.

" Dong?uy! Anong problema? Namumula ka." Nag-aalalang tanong niya at kaagad na nilagay ang palad niya sa nuo ko.

Pakiramdam ko ilang libong boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa akin sa paglapat ng palad niya na may butil pa ng tubig.

" Ah.. w-wala.. A-ayos lang ako.. g-ginising l-lang k-kita." Sabi ko at kaagad na tumingin sa ibang direksyon.

Tae. Bat nabubulol ako?

" Ok.magbibihis lang ako ha." bulong niya.

Uminit lalo ang katawan ko at namamawis. Tinanggal ko ang 2 pagkakabotones ng polo shirt ko.

Ngumiti siya muna bago isinara sa akin ang pinto.

Nanghihina ang tuhod ko na napaupo sa upuan sa salas.

Hi-hindi ko akalain na.... na.......*gulp* ganoon ka hot ang asawa ko. (>.<)

D-dapat bantayan ko ang mga umaaligid na mga manliligaw!

Aish! Ahhhhhhhhhhhh! Ano bang pinagsasabi ko?!

Hindi ito unang beses na nakakita ako ng katawan ng babae. Sa mga babaeng nakita ko mi minsan ay hindi ako pinagpawisan at nanghina gaya ng nangyayari sa akin kanina.

Wanted: MommyWhere stories live. Discover now