Chapter 57.1: Coming back (part1)

17.1K 469 82
                                    

Nathan Pov

Tumatakbo ako at habol ang aking hinanga. Hindi ko Makita ang dinadaanan ko dahil sa luha sa aking mata. Kahit ilang punas ko ay patuloy lang sa pagpatak ang mga ito.

" Dude! What Happened?" tanong ni Micho na nabangga ko. Halata sa kanya ang pagtataka.

" My wife... My wife...." Yan lang ang sinabi ko at nagpatuloy sa pagtakbo papuntang Parking Lot. Mi hindi ko matapos ang sasabihin ko. Hindi ko magawang sabihin na may nangyaring masama sa kanya.

" Nathan!" nadinig kong tawag nina Micho, Laurence at Lancer.

Pagdating sa parking lot ay kaagad akong pumasok sa kotse at nagdrive.

I drive like a crazy animal. Halos paliparin ko itong kotse ko sa sobrang bilis ng pagdrive ko.

I keep on praying and begging to God not to take my wife away.

Pagkadating ko sa ospital ay kaagad pumunta ako sa receptionist area...

" where is my wife?!" tarantang tanong ko.

Medyo nabigla ito sa tanong ko. Napanganga siya sa akin.

" Oh my gosh! Diba ikaw si Nathan?! Yung artista?!" magkahalong kilig at pagkabigla na sambit ng receptionist.

" WHERE IS MY WIFE!" napasigaw ako sa kanya. Im not gonna act nice. I don't have time for fame right now.

"Uhm.... A-ano po ang pangalan niya sir?" tanong niya sa akin ng mahimasmasan at mukhang nahiya.

" Elena Mariana Rosa Anita Millagrosa Villamor Hosef." Sagot ko.

" Nasa emergency room po siya sir." Sambit ng nurse

Kaagad na tumakbo ako sa direction kung saan ang emergency room.

Nakita ko doon si Kuya Itim na nakatayo. Merong tela na nakatakip sa hospital bed.

Patakbo akong pumunta papalapit.

At nakita ko mismo na hinila nila ang hospital bed.

Puro dugo ang nakikita.

Pakiramdam ko.... Nawawasak ang kaluluwa ko sa nakikita ko ngayon. Ang asawa ko....

" wife!" sigaw ko at lumapit sa kay Neneng.

Humawak ako sa maputla at malamig niyang kamay.

" Wife! Wife! andito na ako! Wife..." sambit ko habang nakahawak sa kamay niya. Tinutulak siya sa kung saan. Nakasunod lang ako.

" wife.... Please don't leave me...please... I beg you...please don't go.." I said as my tears starts to fall.

" magagalit ako sa iyo pag umalis ka....kaya huwag na huwag kang aalis! Huwag mo akong iwan." I said as I cry.

" D-dong...." I heard her say weakly.

" Wife.... Wife...." I said and kissed her weak pale hand.

" D-dong....D-dong...." she keep on whispering my name...

" Kailangan namin siyang operahan." Sambit ng doctor " SASAMA AKO. Ayaw kong iwan ang asawa ko!" I shouted.

" Hindi pwede sir. Pasensya na.." sambit ng mga nurse at kaagad na pinahawakan ako sa magkabilang braso ko kay Kuya Itim na tahimik lang.

Nakahawak parin ako sa kamay ni wife.. ayaw kong bumitiw... ayaw ko siyang iwan mag-isa sa loob.

Pero hinila nila papasok ang hospital bed. Nadulas ang kamay ni Neneng at napabitiw sa pagkakahawak ko.

Wanted: MommyWhere stories live. Discover now