Chapter 24.2 Unwanted Visitor part 2

29.8K 671 53
                                    

Neneng Pov

Kanina pa talaga tong si Dong pabalik balik sa kusina.

Kanina kukuha ng tubig at iinom siya sa tabi ni Kuya Mario, tapos babalik na naman siya sa kusina at kukuha ng ice cream, habang tinitignan si kuya mario.

tapos naglakad siya sa kusina para maghugas ng kamay. Habang nakatingin parin kay Kuya Mario.  Minsan magpapagitna siya sa amin ni Mario at magu-uubo. ngayon naman andito na naman siya sa kusina at naglalakad at tumayo sa gitna namin ni Mario.

Hai...grabe na tong pagkabighani niya kay Kuya Mario. Minuminuto gusto niyang pagmasdan. Ahihihihi

" Ano nga ba yung kukunin ko?" tanong niya sa sarili habang nakatingin kay kuya Mario.

(=_=) Lumalala na nga talaga sakit ni Dong. Matanda na nga siya.. tsk. Tsk. Dapat siguro magpa check up na kami sa ospital at patignan na si Dong.

Tumingin lang si Dong sa amin at bumalik na ulit sa salas kung nasaan ang mga bata.

" Ang kulit din ng asawa mo no. hahahaha...Lagi kang chinecheck " sabi ni Mario na naghahalo na ng sauce.

" Ha? Bakit siya mag checheck? Hindi naman ako test paper ah..." sagot ko.

" baka ikaw  gusto nun icheck.." pabulong kong sambit.

" Hhahahahahahahaha... Tsk.. Hai naku Neng. Ibig kung sabihin palagi niyang tinitignan bawat minuto kung ano ginagawa mo. " sabi ni Mario.

Naku kuya Mario! Kung alam mo lang! Ikaw ang tinitignan ni dong! Naku!

" Hmmm...Kanina pa yan ganyan si Dong. Di ko nga siya maintindihan. Alam mo Mario nagiging matanda na yang si Dong kasi una malabo mata niya, mahina pandinig tapos makakalimutin pa." Sabi ko at nag pout.

"Mabait ba siya sayo? Hindi ka ba niya inaaway? " tanong ni Mario

" Sobrang bait ni Dong. Minsan nga lang inaatake ng pagiging matanda niya.. May highblood na siya eh. "

"  kwentuhan mo naman ako ng lovestory niyo ni Nathan..." -MARIO

"Lovestory? Sige.. Anong gusto mong simula... noong unang panahon panahon pa ng hapon o once a pan a time in the fly away land?" tanong k okay Mario

" Hahahahah.. tsss.. Ikaw talaga neng. Wala ka pa ring pinagbago." Nakangiting sambit ni Mario

" Natural Mario. Kung nagbago mukha ko edi hindi na ako si Neneng.hihhihihihi..." nakangiti kong sambit.

" Hahahha.. Oo nga no. Haahahha.. Sige na magkwento kana tungkol sa inyo ni Nathan." Sambit niya at nangalumbaba pa.

Naku... gusto talagang mag chika nitong si Mario. Sabagay ang tagal niyang nawala.

" Si Dong nakilala ko yan nung ipinadala ako dito ni Tatay pogi para magtrabaho.. Naalala mo ba Mario na may sakit ako sa puso? Si Tatay pogi nagpagamot sa akin. Gusto kong makatulong o kaya may gawin ako para kay Tatay pogi... tapos inalok ko na kung pwede kobang pagtrabahuan yung ginastos para makabayad naman ako sa kanya. Pumayag naman siya inalok niya ako ng trabaho na alagaan daw ang tatlong apo niya na anak pala ni Dong. Alam mo ba.. Tanggap ako agad nung mahawakan ko yung mga babies.Sabi kasi sa akin nung secretarya ni tatay pogi ay walang sinumang babae ang nakakahawak sa mga bata na hindi umiiyak ang mga ito. Pinasubok lang sa akin ng sekretarya.. Nagulat nalang ako na hindi sila umiyak at tinawag nila akong Mama.."

" So hindi mo pala talaga mga anak yun?" nagulat na sambit ni Mario.

" Hindi... anak yun ni Dong sa ..sa ibang babae...pero alam mo kahit hindi sila sa akin..Para sakin mga anak ko sila. " sabi ko at napangiti.

Wanted: MommyWhere stories live. Discover now