Chapter 2: Meet the employee

64.3K 1.1K 119
                                    

Neneng POV

Grabe.. nahihilo ako...

Eto kasing si Manong Taxi driver Enenglish ako.

(-_______-) Sobrang hina ako sa English..

Parang ano... na no-nose bleed ako.

Pati utak ko, nag kakaroon ng dalaw! Tapos sa ilong ko lumalabas! Huhuhuhuhu...

"Wake Up!!! Get Up and Get Out!" I don't have time for this!" sigaw ni Manong Taxi Driver.

Yinuyogyog niya ako at napapa headbang ako sa ginagawa niya..

Minulat ko ang mata ko at tumingin sa kanya


Parang biglang lumiwanag ang paligid.. may stars na nag twitwinkle at electric fan na umiihip ng hangin sa mukha ni Manong Taxi Driver.

Grabe... Sobrang ganda niyang tao.

Sobrang lapit ng mukha niya sa akin kaya kitang kita ko lahat ng angulo ng mukha niya.

Sobrang kinis ng balat.

Maputi pa.

Ilang bato kaya kaya ang ginogodgod nito sa balat tuwing naliligo?

Siguro kahit kakaligo ko lang ay lamang pa to sakin ng 5 paligo eh. Nakakainggit naman!

Sobrang maputi rin yung ngipin nito na kahit yung no. 1 modelo ng Colgate ay mahihiyang ngumiti sa tabi nito. Pwede na atang gawing ilaw ngipin nito pag brownout eh.

Tapos yung labi niya parang nagsuot ng kolorete.. yung tinatawag na lipstick.

uhmmmmm.. yung ilong niya perpekto ang tangos at nababangga na sa ilong ko na di pinalad ng taas.

pandak po ilong ko. Huhuhuhuhu..

Tapos yung mata niya..malaki at kulay itim na parang may stars sa loob na nag twitwinkle twinkle little star sa akin.

Nathan POV

Tsss.. Nagwagwapuhan ata to sakin.

Tulala yung mukha oh.

Kanina ko pa to yinoyogyog na gumising eh.

Gumising nga pero parang tulog naman ang utak.

"Miss! Who the hell are you?!" sigaw ko sa kanya

"Dyesi- otso akon edaran Manong Taxi Driber" sagot niya sa akin

(Translation: 18 years old ang edad ko Manong taxi driver)

Teka?

Ang haba naman ng pangalan niya.

"Miss Dyesi! Ano ba kailangan mo sa akin?!" tanong ko sa kanya na sigaw na.

"Kailangan kita, ngayon at kailanman.. kailangan mong malaman na ikaw lamang..." sagot niya na nakangiting ewan.

"You're out of your mind! Get out of my car! I don't want a pscyho in my Car!" sigaw ko sa kanya.

"Ahehehehe.. Yes.. me no have mind... pero.. heart is better than head.. Cause head is part of the body.. uhmmm.. like.. my toes, my knees, my shoulder, my head.." sabi niya sa akin na kinanta pa yung nursery song na My toes,My Knees with action pa.

(-_________________________-)

Wala akong naintindihan sa pinagsasabi niya.

Anong klasing English to? Parang pang Alien English.

"You really don't want to get out of my car huh? You lead me no choice." sabi ko at biglang lumabas sa kotse ko.

Tapos binukas ko yung pinto ng kotse ko at hinila yung babae palabas.

Wanted: MommyWhere stories live. Discover now