Chapter 24.1 Unwanted Visitor

33.7K 730 48
                                    

Nathan Pov

Aish! Bat ko ba niyakap si NENENG?! May pahalikhalik pa ako sa likod ng ulo niya!

TSK..Na carried away kasi ako sa nararamdaman ko kanina. Yung mga sinabi niya kasi sa mga anak ko ay talaga namang tumagos sa puso ko. May pagka sensitive kasi ako pag mga usaping pamilya eh. I have never met my mom. I rarely saw my dad when I was very young.

No one really cares for me while growing up..kaya siguro... uhaw ako sa tinatawag na pagmamahal.. Kapag nakikita ko si Neneng na minamahal ang mga anak ko..pakiramdam ko ako ang minamahal niya. (>o<) aishhhh! Hindi ko na maintindihan!

Mag aakto na nga lang ako ng normal!

Konsensya: Bakit abnormal kaba Dong?

(=_=)

Ako lang ba to o talagang may sariling pagiisip konsensya ko?

Neneng Pov

Ang tahimik ni Dong habang kumakain. Hindi nga siya makatingin sa akin nung hapunan kagabe at hanggang ngayon sa agahan.

" Uhmmm.. Dong may praktis ka ba ngayon?" tanong ko sa kanya. Di kasi ako sanay na tahimik siya.

"Yep." Sagot niya.

"Gabi ka na ba uuwi?" tanong ko sa kanya.

" Oo." Sagot niya

" Kamusta sila nina Micho?"

" Ok lang." sagot niya

(>o<)

Nakakabagot naman kausapin tong si Dong.

Tumayo na ako at hinanda na yung baon niya.

" Dong.. eto baon mo. May tubig nadin diyan at tsaka eto towel.. Galingan mo sa praktis Dong ha." Sabi ko na nakangiti at nilagay na sa bag niya yung baon niya, tubig at towel.

" Opo Mommy." Sagot ni Dong na iisa lang ang tono at walang gana.

Ahihihihi.. Ewan ko ha pero na cu cute tan ako kay Dong pag ganyan siya. Hahaha.

Napangiti na lang ako sa kanya.

Bumalik ako sa tabi ng mga bata at sinubuan sila.

Mayamaya ay nadinig ko na tumunog ang cellphone ko.

Malapit kay Dong yung cp ko. Pakiusapan ko siyang basahin yung text. Baka kasi Importante eh. Isa pa sinusubuan ko pa yung mga bata.

" Uhhh... Dong pakibasa naman yung text sa cp ko." Pagpapakiusap ko sa kay Dong.

" Bakit?! Di ka marunong magbasa? Tsaka di ko alam gamitin tong posporo na cellphone mo." Supladong sagot niya.

(=_=) malala na talAGA ang mata ni dong. Paano naging posporo ang isang cellphone???? Hai! Shunga lang?

" 3310 yan ha! Hindi yan posporo. Yan kaya yung gamit na cp ni Dao Ming Si sa Meteor Garden. Siya kaya pinaka mayaman sa Taiwan! " Pagtatangol ko sa cp ko.

" Tsss.. Eh nineteen forgotten na yang cp mo eh. Grade 5 pa ako nung nagsimula ang meteor garden.." masungit na sagot ni Dong.

" Edi gurang ka na kung ganon Dong!" sagot ko sa kanya.

" Ano sabi mong babae ka?!" bulalas na niya at tumalim ang tingin sa akin.

" Sabi ko gurang kana... Kita mo, kabago bago ko lang sinabi di mo narinig.. Tsk..Tsk..." sagot ko at napailing.

" Para sabihin ko sayO, hot ako! Gwapo pa!. Mayaman! Young and fresh!" sabi niya at hinagod pa buhok niya habang nagsasalita.

Ayan na naman siya.

Wanted: MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon