Chapter 9: Sweetest Instant Noodles Ever

133K 2.5K 183
                                    

He'll see me tomorrow. And tomorrow is today.

Narinig ko yung alarm clock ko. 5:00 AM pa lang. Kailangan kong bumawi kay Erick. Kaya super aga ko gumising.

Pagkaayos ko sa pinaghigaan ko. Nag-inat inat ako bago bumaba para magluto ng breakfast ko. Favorite ko ang instant noodles. Quick and easy. Kaya yun ang menu for this morning. Nung papunta na ko sa kusina.

May narinig akong pamilyar na tunog. Tunog ng isang door bell. Hinanap ko yung phone ko. Nasa’n na kaya yun? Baka naman nasa taas. Pero hindi naman ganun kalakas yung ringtone ko. Hmmm..

Then everything comes rushing back. Lahat nung nangyari kahapon. Wala na kong cellphone. Ibinato nga pala nung lokong lalaking si Dominic. Tsk.

Tapos narinig ko na naman yung pagtunog ng doorbell. Tapos doon ko na-realize, may doorbell nga pala tong bahay na ‘to. Tsk. Kundi ba naman isa’t kalahating bobo oh.

Pero sino namang siraulo ang pupunta dito at mambubulahaw nang ganito kaaga? Imposibleng si Erick. Mamaya pa yun eh. O baka alam niya na maaga ako gigising? Tsk. Natalo pa din niya ko?

Pumunta ako sa pinto. Pagbukas ko, walang tao. Tsaka ko naalala na may gate pa pala. Grabe, ganun na ba ako kabobo? O dahil lang to sa maaga ako nagising kaya  parang lutang ang utak ko. O baka naman, nahahawa na ko sa katangahan nung Dominic na yun. Ano na lang kayang mangyayari kapag mas matagal pa kong sumama sa kanya? Tsk.

Pumunta na ko sa gate ngayon, iritable. Pagbukas ko nito...  "Bakit ang tagal mong buksan yung gate?! What’s wrong with your brain huh?! Kanina pa ko dito.” tapos tinulak niya yung ulo ko.

Si Dominic! Lalong nag-init yung ulo ko. “Bakit ka nandito?!Ang aga-aga mong mangbwiset ah!"

"Come with me." Utos niya.

"Ano?! May pasok ako! Sa’n mo na naman ako dadalhin?”

Hinatak niya ko bigla. Palagi na lang akong hinahatak ng lalaking to. Anong akala niya sa’kin? Kaladkarin?! Hindi naman kami lumayo, huminto kami sa likod ng kotse niya at binuksan niya yung trunk ng sasakyan niya. 

"Choose one." He whispered. Nilingon ko siya and he’s standing too close.

“Para saan lahat nang yan?!” tanong ko.

"Wala kang phone di ba? Hindi ko alam kung anong gusto mo. Kaya yan, mamili ka."

Sa harap ko, may sandamakmak na cellphone. All the latest. All new and he's making me pick one. Dati drug dealer, ngayon smugler ng mga phone. Tsk. I glared at him. "Adik ka ba?"

He looked at me like I’ve grown a pair of wings.

"Bakit ako pipili diyan? Akala mo ba hindi ko kayang bumili? At yung bibilhin ko wala sa mga yan. Gumastos ka lang. Hindi mamahalin at walang kahit anong ek-ek yung plano kong bilhin. Para just in case mabaliw ka na naman, di nakakapanghinayang."

He smiled and I creased my forehead. Anong problema nito?

"I don't know kung anong utak meron ka. Pero... " kinurot niya yung dalawang pisngi ko sabay hinalikan ako. Bigla ko na lang naramdaman yung labi niya sa labi ko. Grabe na!! Pangatlo na to ah. Abusado talaga siya!

"Hindi ka ba nagtootbrush?" tanong niya, nakakunot na yung noo niya.

Biglang uminit yung dalawang tenga ko. "Hindi...." Bulong ko sabay amoy sa hininga ko. Di naman mabaho. Wala naman akong bad breath. Pero bakit ganun? Bakit niya alam na hindi ako nagtootbrush?

"Did you ate chocolates last night?"

"Chocolates? Hindi ah."

"It's sweeter this time...” he looked at my face, on my lips, then back on my eyes. “Your lips, it’s sweeter." He said with a confused smile.

Deal Breaker (Published under Pop Fiction, Summit Publishing)Where stories live. Discover now