Chapter 27 Chapter 27

115 3 0
                                    

Dedicated sa'yo, bibibi :*

------------------------------

KARA'S POV

"Kara, patingin naman ng assignment mo sa Accounting oh? Icocompare ko lang sa 'kin." sabi ni Queenie.

Kinuha ko naman ang filler ko sa bag ko at inabot ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa bago naming tambayan na naiilaliman ng mga puno. Ang ganda nga dito eh, wala masyadong estudyanteng dumadaan at presko pa ang hangin.

'Yung tungkol sa volleyball game, nagkaroon ng rematch kasi nga hindi natapos ang game. At kami ang panalo! Yey!

Kinuha ko ang cupcake ko sa bag ko. Hindi na naman kasi ako nakapag almusal kanina dahil na late ako ng gising. Mabuti nalang at wala sina Mommy't Daddy sa bahay dahil panigurado, hindi ako paaalisin ng bahay ng mga 'yun na walang laman ang tiyan.

Susubo na sana ako ng biglang may nagtakip ng mga mata ko gamit ang mga kamay.

Teka, sino 'to?

Nilapag ko muna ang cupcake at sinimulang kapkapin ang kamay.

"Sino ba 'to? Jimmy?"

Hindi pa rin nito binibitawan ang mga mata ko. Narinig ko nalang na biglang tumawa ng mahina si Queenie.

Kinapkap ko ulit ang kamay. Medyo pamilyar sa 'kin pero hindi ako sigurado. Parang nahawakan ko na 'to dati ah?

Isang tao lang ang pumasok sa isip ko pero nahihiya akong sabihin out loud dahil baka magkamali ako at masabihang assuming kaya iba ang lumabas sa bibig ko.

"Kean? Ikaw ba 'yan?"

Naramdaman ko nalang na biglang lumuwag 'yung pagkakahawak hanggang sa tuluyan na itong binitawan at nagulat nalang ako sa biglang tumabi sa 'kin.

"Iba na naman ang naalala mo."

Sabi ko na nga ba, siya eh.

Tumawa lang ako ng mahina, "Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

"Wala lang. Alam mo bang nahirapan akong hanapin ka? Wala ka sa room niyo, wala ka din sa canteen, wala ka rin sa library. Andito ka lang pala." sabi niya sabay lapag ng mga gamit niya sa mesa.

"Eh ba't mo naman ako hinanap?" tanong ko.

"Wala lang. Bakit, bawal?" tanong niya sa 'kin habang nagpipigil ngumiti.

"Sinabi ko bang bawal?" balik ko ng tanong sabay subo ng cupcake.

Nakakapanibago ang feeling. Hindi ako naiilang sa kanya ngayon, hindi ako naiilang na andito siya. Sa totoo lang, ang sarap sa pakiramdam na kasama ko siya ngayon.

*dug dug dug dug*

Here comes my weird heartbeat again.

"Eh ba't mo nga ba hinahanap ang isang tao?" tanong niya sa 'kin habang nakatingin lang sa mga mata ko.

"Kasi gusto mo siya?" biglang sabat ni Queenie.

Bigla kong hinampas si Queenie sa braso at sinunod ko naman hampasin sa braso si Jeffrey.

"Tigilan niyo 'kong dalawa! Narinig ko na 'yan!"

Bigla namang nag high five ang dalawa sa harapan ko.

Pinagtulungan pa 'ko?

"Hi, guyyyys!" bigla kaming napalingon sa likod namin at nakita namin si Jimmy na papalit kasama si Kean.

I Think I'm Falling (ongoing)Where stories live. Discover now