Chapter 18

121 2 0
                                    

QUEENIE'S POV

"Waaah! Pigang-piga na ang utak ko! Kinain na lahat ng Accounting na 'yan ang aking brain cells!"pagrereklamo ni Jimmy tungkol sa exam namin habang binubuksan ang burger niya.

 

"Sinabi mo pa!" pag-a-agree ko.

 

"Haay, nakakaloka!"

 

Mabuti nalang talaga at bihira nang mag beki language 'tong si Jimmy kasi 'di talaga namin siya maintindihan. Magmumukha lang siyang alien sa 'min.

"Grabe naman din makapagbigay ng problem yung teacher natin. Ang terror talaga kahit kailan." comment ni Kean habang nagpailing-iling pa.

"Oo nga. Di ba, Kara?"

 

 

 

Tumango lang siya at tumawa, "Kailan pa ba naman kasi naging madali ang Accounting? Mabuti nalang talaga at tinuruan ako ni Jeffrey kundi baka wala akong nasagot kanina. Muntik na nga akong magka---"

Naputol ni Kara ang sasabihin niya nung napansin niyang nakatitig lang kami ng may panunuksong ngiti, well of course, maliban kay Kean.

 

"Oh, ano na naman 'yang ngiting 'yan?" mataray niyang tanong sabay subo sa cupcake niya.

 

"Ayeee! Talagang tinutor ka pa ni Papa J, ha?"

May something na talaga sa dalawang 'to ha! Ibang level na eh!

Nakakapanibago din ah. Madalis kasi, si Kara ang unang nagrereklamo sa 'min pagdating sa Accounting.

 

"Eh ano namang meron dun?" pa inosenteng tanong niya.

Bigla ko siyang tinusok sa tagiliran niya.

I Think I'm Falling (ongoing)Where stories live. Discover now