Chapter 26

99 2 1
                                    

QUEENIE'S POV

Ang boring naman dito sa bahay. Saturday ngayon at wala akong magawa. Tapos ko na 'yung assignment ko sa isang subject ko at tinatamad akong mag advance reading.

Hehe, 'di ko naman talaga habit ang mag advance reading.

Gusto kong gumala pero wala akong kasama. Si Kara, na kay Jeffrey. Si Jimmy naman, busy daw. Eh si Kean kaya? Nahihiya akong yayain siya eh. Bahala na nga, mamamasyal nalang ako sa park.

Bumaba na 'ko at nagpaalam sa mama ko, "Ma, sa park lang ako. Sandali lang po ako."

"Oh sige, mag-iingat ka."

"Opo."

Malapit lang ang park dito sa 'min, walking distance lang. Lumabas na 'ko ng bahay namin at sinaksak na ang earphones sa tenga ko.

(You Got Me by Colbie Caillat)

(Video on the side)

♫♬ You're stuck on me and my laughing eyes

I can't pretend though I try to hide

I like you, I like you ♫♬

♫♬ I think I felt my heart skip a beat

I'm standing here and I can hardly breathe

You got me yeah, you got me ♫♬

Sino pa bang naalala ko? Eh 'di si Kean. Lahat naman ata ng kantang papakinggan ko, siya agad ang naiisip ko eh.

Nang nakarating ako sa park, umupo kaagad ako sa swing.

Ang ganda talaga dito sa park.

Haaay, kailan kaya ako mapapansin ni Kean?

I Think I'm Falling (ongoing)Where stories live. Discover now