Chapter 9

213 5 5
                                    

Dedicated sa kanya kasi ang ganda nung sinulat niyang story about kay Vianne haha! Thank you dun sa story na ginawa mo! I so love it :))) Haha! Guys, basahin niyo din yung "Deja Vu" by LeeYahBitter :)

Meet Kara's friends!

-------------------------------------------------------

KARA'S POV

"Karaaaaa!"

"Oh?"

Ano ba naman 'tong si Queenie! Kakarating ko lang e! Ni hindi pa nga ako nakakapasok ng room e sinalubong kaagad ako ng sigaw.

"Ikaw friend ha! Nakakatampo ka na! May hindi ka sinasabi sa 'kin!" sabay pout niya pa.

"Alin dun?" Kunwari pa 'kong hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin.

Bigla niya 'kong kinurot sa tagiliran. 

"Aray naman!"

"Sabihin mo na kaseeeee!"

"Oo na! Pero pwede? Pasok muna tayo? Pwede?"

"Ay hihihi. E kasi naman, na-excite ako bigla."

Pumasok na kami ng classroom. Pero teka, paano naman nila nalaman 'yun? Kahapon lang kami lumabas tapos ngayon, eto na, kalat na agad? 

"Oh sige na, friend. Speak."

So 'yun, since sa kanya naman ako pinaka close sa lahat ng mga kaibigan ko, sinabi ko na sa kanya ang totoo. Na for show lang yung sa 'min.

"Ayeeee!" sabay kurot niya pa sa tagiliran ko.

"Hoy! Bakit ka naman kinikilig e for show nga lang dba? FOR SHOW."

"Aysus! Ilang beses na 'kong may nabasang ganyang concept sa Wattpad noh! Kunwari, for show lang tapos biglang magkakadevelopan. Weeee!" Kinilig naman 'to?

I Think I'm Falling (ongoing)Kde žijí příběhy. Začni objevovat