Chapter 29

85 2 1
                                    

KARA'S POV








♪♬ I've been spending all my time
Just thinking 'bout you
I don't know what to do
I think I'm falling for you♪♬








"Hello?" sagot ko sa bagong gising na boses.








[Kara!]








Bigla kong nilayo sa tenga ko ang phone dahil sa sigaw ni Queenie.








"Queen, wag ka ngang sumigaw."








[Sorry naman. Oy ba't wala ka pa dito? Late ka na naman ba?]








"Hindi, aabsent muna ako today. I'm sick."








[Aww may sakit ka? Kaya pala ang tamlay ng boses mo. Oh sya, pahinga ka na. Punta kami dyan later ha!]








"Oh sure. Balitaan niyo ko sa mga activities niyo dyan ha. Bye."








[Syempre! Sige, bye!]








Binaba ko na ang tawag ang nagtalukbong nalang ng kumot.








Waaaah! Ang sakit sakit talaga ng ulo ko! Isang galaw ko lang, feeling ko mabibiyak na ang ulo ko.








*knock knock*








"Manang, ikaw ba yan? Pasok po, nakabukas lang yan."








Wala akong narinig na sumagot, pagbukas lang ng pinto.








Lalo akong nagtalukbong ng kumot dahil giniginaw na din ako.








Pinakaayaw ko talaga sa lahat, ang nagkakasakit! Kahit pa lagnat at sakit ng ulo lang 'to. Hayyy, ba't nga ba kasi ako nagkasakit?








Bigla kong naramdaman na may yumakap sa 'kin sa likod, nakatagilid kasi ako.








Kahit papano, nabawasan 'yung ginaw ko.








Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang bigla akong nagtaka na bakit parang tumangkad si manang?








Napakapkap ako sa may braso at, kelan pa nagka muscles si Manang?!








Biglang nanlaki ang mga mata ko sabay alis ng kumot.








"JEFFREY?!"








Nakangiti lang siya na parang bata, "Good morning, sakitin!"








*lub dub lub dub*








"Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko sabay tayo.








"Binibisita ka. Pumunta ako sa classroom niyo kanina at narinig kong magkausap kayo ni Queenie sa phone."








"Eavesdropper." sabi ko sabay irap.








Bigla naman akong napahawak sa sentido ko dahil bigla akong nahihilo.








"Orthostatic hypotension?"








Napalingon naman ako bigla sa kanya, "Epistaxis!" sabay tawa naming dalawa.








*lub dub lub dub*








"Umupo ka na nga lang dito." sabi niya sabay lapit sa 'kin.








"Ep ep ep! Dyan ka lang! Mamaya kung ano pang gawing mo sa 'kin eh." sabay cover ko ng kumot sa katawan ko.








*plak* biglang pitik niya sa noo ko.








"As if naman may gagawin ako sa'yo!"








"Aray ko, Jeffrey!! Masakit!"








"Ay hala, sorry! Nakalimutan ko may sakit ka pala!" sabay himas niya sa noo ko at inalalayan akong umupo.








"Ah ganon? So kung wala akong sakit, gagawin mo pa rin 'yon?"








"Hehe hindi naman."








"Hehe mo mukha mo." sabay alis ko ng kamay niya na nasa noo ko.








"Eto naman, nagkasakit na nga, sungit pa din." kunwari'y bulong niya pero rinig na rinig ko naman.








"May sinasabi ka?" Nakangiti kong tanong.








"Wala po." Nakangiti niya ring sagot at sabay kaming napairap.








"Lumabas ka na nga lang! Isusumbong na talaga kita kay Daddy, namimihasa ka ng bigla nalang pumapasok sa kwarto ko!"








"Sobra naman 'to." sabay pout niya.








Pwedeng 'wag kang mag pout? Ang cute mo kasi eh.








Bigla akong napangiti na pinigilan ko naman agad.








"Hala! Nakita ko 'yon ha! Oyyy, si Kara! Nakukyutan ka na sa 'kin noh?"








"Kapal mo."








Bigla akong nanghina kaya napasandal nalang ako sa headboard ng kama ko.








"Masakit pa ba ang ulo mo?"








Napatango lang ako sabay pikit ng mga mata.








"Kara," bulong niya.








Napadilat naman ako ng mga mata.








"Kainin mo muna 'to para mainom mo na ang mga gamot mo."








Humiga lang ako, "Mamaya nalang 'yan. Inaantok na 'ko eh."








"Hindi ka pa nakapag breakfast."








"Hindi ako gutom."








"Eh kailangan mo ngang kumain."








"Di nga sabi ako gutom." sabay pikit ko ng mga mata ko. Inaantok na ako, maawa.








"Kara,"








'Di ako sumagot.








"Kara, 'wag ng makulit."








Ako pa talaga ngayon ang makulit?








"Kara,"








Napadilat ako ng mga mata.








"Please?" sabay lapit niya ng kutsara sa bibig ko.








*lub dub lub dub*








Umupo na ako, "Fine. Akin na 'yan, 'wag mo na 'kong subuan."








"Ep, ako na. Sa gusto ko eh."








*








Natulog lang ako buong araw. Ginigising niya 'ko para unimon ng gamot tapos tulog ulit.








7pm na ata akong nagising. Nakita ko si Jeffrey na nakasandal sa gilid ng headboard ng kama ko, natutulog.








Medyo okay na rin ang pakiramdam ko.








Napatitig ako sa kanya.








Bakit parang lalong gumagwapo 'tong si Jeffrey?








"Jeffrey," sabay yugyog ko sa kanya para magising siya.








"Hmm? Oh Kara, okay ka na?"









Tumango ako habang nakangiti.








"Nga pala, 7pm na. Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?"








"Alam naman nila mommy na andito ako eh. Kinakamusta ka nga nila." sabi niya sabay napa yawn.








Napatawa lang ako.








"Kain na tayo sa baba. Gutom na 'ko eh."








Bigla naman siyang napatawa, "Magaling ka na nga. Nagpunta nga pala sina Queenie dito kaya lang, tulog ka pa. May iniwan silang chocolates at fruits para sa'yo. May binigay din silang notes."








"Talaga?" Nakangiti kong tanong. Agad akong nag text sa mga friends ko para mag thank you.








Lalabas na sana kami nang may makita akong bouquet sa study table.







"Jeff? Kanino galing 'yon?" sabay turo ko sa flowers.








Bigla namang kumunot ang noo niya, "Ah oo nga pala, galing kay Kean. 'Di mo naman type 'yan, di ba? Mas gusto mo naman ang white kesa red roses? Psh. Halika na nga, gutom na 'ko eh." at nauna na siyang lumabas ng kwarto.









Haha anyare dun?








Habang kumakain kami, panay ang tingin sa 'min ni Manang.








"Oh, Manang. Bakit po?" tanong ko.








"Alam mo ba, Kara. Buong araw, binabantayan ka lang talaga nitong si Jeffrey. At 'yung kinain mo sa lunch, siya rin nagluto nun."








*lub dub lub dub*








Chucks! Touched naman ako!








Napalingon ako kay Jeffrey at nakangiti lang siya. Hindi ko kinayang makipagtitigan sa kanya kaya iniwas ko nalang ang tingin ko at nagpatuloy nalang sa pagkain.








Pagkatapos naming kumain, nag aya pa si Jeffrey na manuod muna daw kami ng TV. Hindi ba 'to napagod sa pag alaga sa 'kin?








"Waah! My first romance! 'Yan nalang panuorin natin!"








Nag agree naman si Jeff. Eh? Akala ko magpoprotest eh.








Jologs na 'tong movie na 'to para sa iba pero waah! Favorite ko 'to! Maka John Prats at Heart Evangelista ako dati eh.








Habang nanonood ako, nakikimoment din ako sa movie. Bigla lang ako na distract nang maramdaman kong may nakatitig sa 'kin.








Napalingon ako sa katabi ko at,








*plak*








"Aray! Ba't mo 'ko sinampal? Eto naman oh, masama bang titigan ka?" sabay himas niya sa pisngi niya.








"Eh may lamok eh." sabay pakita ko sa palad ko.








Napatawa siya bigla kaya napatawa na lang din ako.








"Ba't ka nag absent? Eh pwede namang binisita mo nalang ako. Sayang din 'yung na miss mong classes."








"Eh ikaw, ba't ka nag absent?"








"Huh? Nagkasakit kaya ako."








"Kaya nga." sabay kurot niya sa chin ko at binalik na ang tingin sa TV.








*lub dub lub dub*








----------------------
*to be continued

I Think I'm Falling (ongoing)Where stories live. Discover now