Chapter 3

188 4 4
                                    

Sana magustuhan niyo :)))) Dedicated to my second reader :*

---------------------------------------------

KARA'S POV

Pagkatapos naming umalis sa school, dinaanan muna namin si mommy sa office niya tapos pumunta na kaming restaurant.

Yuuuum! Tamang-tama, kanina pa 'ko nagugutom e!

"Nak, kumusta naman yung studies mo?" biglang tanong ni daddy sa 'kin.

Omp!

"P-po?"

"Yung studies mo, okay naman ba?"

"Ha? Ah. Opo! Okay naman po!"

"Mabuti naman."

Ngumiti lang si daddy at nagpatuloy na sa pagkain.

Nakaka-guilty naman 'tong ganito!

"Excuse me, Ma'am. Flowers for you."

May waiter na lumapit sa table namin at may inabot na bouquet sa mommy ko. 

Pagkatapos ng sinabi ng waiter, umalis na din siya.

Nakalimutan ko! Anniversary pala ng parents ko ngayon!

"Nagustuhan mo ba?" tanong ni daddy.

Nakita kong ngumiti muna si mommy habang inaamoy ang bulaklak tsaka lumingon kay daddy.

"Kahit ang tanda na natin, ang sweet mo pa din."

Nagtawanan lang sila.

 

"I love you, Hon. Happy Anniversary."

 

"I love you too, Hon."

Ki-niss ni daddy si mommy sa noo niya.

I Think I'm Falling (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon