Chapter 25

100 2 0
                                    

KARA'S POV

"Good afternoon po, Tita Monet." bati ko kay Tita pagkapasok ko ng bahay nila.

"Oh, iha! Kara, darling! Pasok ka!" masiglang bati ni Tita. Ang jolly talaga ni Tita Monet! Kaya ang ganda-ganda eh, parang hindi tumatanda.

Ba't kaya hindi namana ni Jeffrey 'tong ganitong ugali ni Tita? Ang moody kasi nun eh. Daig pa ang babaeng may dalaw.

Aish! Jeffrey na naman! Ba't mo ba siya palaging naiisip? Kaya ka nahuhulog sa kanya eh!

Anla. Sinong niloloko ko? Sarili ko lang? Eh alam ko namang nahulog na 'ko sa kanya eh.

"Kara? Are you alright?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Tita.

Agad akong tumango at ngumiti, "Of course, Tita. I'm fine. Pasensya na po kayo kung medyo na late ako, ang traffic po kasi eh."

"Aysus. Wala 'yon." sabi ni Tita habang hinahaplos ang buhok ko. "You need not to worry, iha." sabay ngiti.

Hinatid na ako ni Tita sa kitchen nila. Actually, andito ako kasi nag request si Tita kung pwede ba ko ba daw siyang ibake ng favorite carrot cake niya. Madalas ko ng ginagawa 'to dati pa, simula nung 4th year high school ako.

Nag request ako kay Tita kung pwede bang sa bahay ko nalang siya gawan tapos ipapadala ko nalang dito kaso mag gusto niyang dito ko daw binebake para makita naman daw niya 'ko habang nagbebake tsaka magkakalat lang daw ako sa bahay 'pag ganon. Nagtaka nga si Tita kung bakit daw eh dito ko na naman daw nakasanayang ibake siya.

Wala lang. Parang ayoko pa kasing makita si Jeffrey. Ang awkward kaya kasi basta! Hindi ko alam kung anong irereact ko 'pag nakaharap ko na siya.

Sabagay, 'di naman 'yun lumalabas o nang-iistorbo 'pag nagbebebake ako eh. Ni hindi ko nga alam kung natikman na ba niya ang mga binake ko. Natikman niya kaya? Nagustuhan niya kaya ako? Este ang cake ko?

So maghapon kang tutunganga at mag-dadrama diyan, Kara? Psh. Makapagsimula na nga.

I Think I'm Falling (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon