Chapter 14

168 5 5
                                    

Hello, 2013! Hello, readers :)

_______________________

KARA'S POV

Tahimik lang kami habang nagbabyahe. Tanging tunog lang ng aircon ang naririnig ko.

Napapansin kong kanina pa wala sa mood si Jeffrey. Nagtatagpo na sa gitna ang mga kilay niya. Problema naman daw nito?

Tinusok ko siya sa tagiliran niya, "Huy."

Aba! Hindi man lang ako pinansin! Bahala ka nga sa buhay mo!

Tumingin nalang ako ng diretso sa kalsada nang bigla nalang siyang nagtanong na ikinagulat ko.

"Nanliligaw ba sa'yo yung Kean na 'yon?" habang nakatingin lang siya sa kalsada at nakakunot pa rin ang noo.

Ang tanging nasagot ko lang ay, "Ha?"

"Psh. Bingi. Sabi ko--- aish! 'Wag na nga lang! Ang hirap mong kausap!"

Napatawa ako ng malakas kaya napatingin siya sa 'kin with death glare pa.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

"Wala." pero tawa pa rin ako ng tawa.

"Then why are you still laughing?"

Tumawa muna ako saglit bago ko sinagot yung una niyang tanong, "Magkaibigan lang kami ni Kean noh! Anong ligaw-ligaw ang pinagsasabi mo diyan."

"Good."

I Think I'm Falling (ongoing)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin