Chapter 23

103 2 0
                                    

QUEENIE'S POV

Hay nako! Dapat ineenjoy namin ang free time namin ngayon eh kaso andito kaming dalawa ni Kara, papunta sa storage room kasi nautusan kaming pareho. May mga iaarrange lang daw dun.

Gutom na 'ko! Sigurado din akong mas gutom na 'tong si Kara.

"Queenieee, nag-aalboroto na ang mga alaga ko sa tiyan." complain ni Kara habang nakahawak sa tiyan niya. Sabi na eh.

"Ako din eh. Ba't pa ba kasi tayo nabingwit dito?"

Nagkibit-balikat siya, "Malay ko ba. Random students lang eh tsaka marami naman tayo kaya madali nating matatapos 'to."

"Sana nga."

Pagkapasok namin ng storage room, may mga students na ngang nagsisimula ng mag arrange kaya naghanap na din kami ni Kara ng kung anong mailigpit.

Hmp! Maalikabok masyado dito ha! Nubayan, ang dami kong reklamo. Eh kung tapusin ko na kaya 'tong dapat kong tapusin para makakain na 'ko? Noh? Haha! Sorry naman!

"WAAAAH! MAY IPIS! IPIS!" nabulabog ang storage room dahil sa biglang may sumigaw na may ipis daw kaya pati 'yung iba eh napasigaw na rin.

"Ipis?! Ipis?!"

"Asan ang ipis?!"

"Waaaah!!!"

Handa na sana akong tumalon sa pinakamalapit na upuan dahil baka mamaya eh gapangin ako ng feeling butterfly na ipis na 'yan nang biglang nahagilap ng mga mata ko si Kara,

na kinakarga ni Jeffrey.

I Think I'm Falling (ongoing)Where stories live. Discover now