Chapter 35

72 2 3
                                    

Ohmygod it's been a long time since I last updated this story. Sobrang busy sa life eh? Haha! Anyway, update2 din ng konte :)

35

KARA'S POV

"Hmmm. I'm so impressed with your performance, Ms. Reyes." nakangiting sabi ng prof ko sabay abot niya ng testpaper ko sa final exam namin at bumalik na ako sa upuan ko.

Bigla umabot hanggang tenga yung ngiti ko. Wow! Totoo ba 'to? Naks! Galing ko naman! Haha pagbigyan niyo na.

"Magaling, magaling, magaling!" Napalingon ako sa nagsasalitang si Queenie na agad namang sumilip sa testpaper ko.

"Ang daya mo! 80 lang yung sa 'kin tapos sayo 91?! Pero infairness ha, congrats, sis!" Sabi ni Jimmy.

"Iba talaga pag inspired ka noh?"

"Oo nga naman! Pero teka, bakit parang hindi ko na kayo masyadong nakikitang magkasama ni Papa Jeff? Hmm. May hindi ka ba sinasabi sa 'min?"

Bigla naman akong nalungkot ng banggitin ni Jimmy ang pangalan niya. Halos isang linggo na rin kaming hindi nag-uusap eh simula nung... Ano na kayang nangyari dun?

"Busy lang yun." Sabi ko habang nakangiti ng pilit. 'Wag na sana nilang mahalata. Ayoko lang kasi munang pag usapan.

**

JEFF'S POV

"Tol, kanina ka pa hindi kumikibo dyan. Baka naman makalimutan namin na kasama ka pala namin."

"Lumilipad na naman ang utak mo."

"Wala lang 'to. Magpapahangin lang muna ako sandali. Text nyo nalang ako kapag may prof."

Lumabas na ako ng classroom at naglalakad nalang sa buong campus.

Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng mga paa ko sa harap ng classroom ni Kara.

Anong ginagawa ko dito? Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gusto ko siyang makita at makausap. Sa totoo lang, miss na miss ko na siya. Kaya lang, anong sasabihin ko sa kanya?

Makaalis na nga lang.

Paalis na sana ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Jeff?"

KARA'S POV

"Ms. Reyes, kindly get the yellow folder on my table. Naiwan ko sa faculty." Sabi ng prof ko kaya tumayo ako agad at nagtungo sa pinto.

Paglabas ko, bigla kong narinig ang pangalan niya na siyang kinabilis agad ng tibok ng puso ko.

"Jeff?"

Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng maarteng boses na yun.

Halos napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko.

"You're here lang pala." sabi ni Bianca sabay halik sa mga labi ni Jeff.

Biglang nagtama ang mga mata namin ni Jeffrey at nagulat siya na nakita niya ako.

"Kara?"

Ilang segundo pa ang lumipas bago ako nakasagot, "J-Jeff. Hi. Uhm. May inutos pa sa 'kin si Sir. Una na 'ko."

Tumalikod na ako at derederetso na ang lakad ko. Tumigil ako sa isang bench at bigla nalang napaupo. Ramdam ko na konti nalang, tutulo na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

So nagkabalikan na nga sila. Within one week, nagkabalikan na sila. Ang bilis naman. Ganon lang kadali para sa kanya na tanggapin ulit si Bianca? Oo nga pala, siya nga pala yung may atraso sa tao. Siya pala yung naiwan. Siya pala yung naghahabol. Kaya nga ako napasok sa storya nila.

Pinunasan ko kaagad ang mga luha ko, "Ang tanga mo naman, Kara. Ano ba? Humohopia ka pa ba? Obvious na oh, sila na. Kaya tumigil ka na. Kailangan ng matigil 'to."

"Itigil ang alin?" nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko.

"Uy, Jeff! Ikaw pala yan! Ginulat mo naman ako." natatawa kong sabi na halata namang peke.

Bigla siyang lumapit sa 'kin at tiningnan ako sa mata habang nakahawak sa magkabila kong braso.

"Are you okay?"

Kumalas ako agad sa hawak niya, "Oo naman. Naku, kanina pa inaantay ni sir yung inutos niya. See you around." sabi ko, tumalikod agad at nagsimula ng maglakad pero tumigil ako.

Kailangan ko ng itigil 'tong kagagahan ko.

"Kayo na pala ulit?" tanong ko habang nakatalikod pa rin sa kanya.

"Kara..."

Lumingon ako sa kanya, "Good for you. Siguro naman hindi mo na kailangan ng tulong ko dba? At oo nga pala nakalimutan kong sabihin sa'yo, nakakabawi na ako sa grades ko. Thank you pala sa tulong mo ha. Oh, patas na tayo. Nakuha mo na ang gusto mo, nakuha ko na rin ang gusto ko. So paano, wala na yung deal natin ha?" nakangiti kong sabi.

Ngumiti lang siya ng konti at tumango. Ngumiti lang din ako at tumalikod na.

Habang humahakbang ako palayo, lalong bumigat ang pakiramdam ko. Lalong sumisikip ang dibdib ko. Bakit ganito? Bakit ang sakit sakit?

*to be continued

I Think I'm Falling (ongoing)Where stories live. Discover now