Chapter 4

162 2 0
                                    

A super duper short update. Pinilit lang makapag-update e. Babawi nalang ako sa susunod :))))

----------------------------------------------

KARA'S POV

Mag-aalas dose na pero gising pa din ako. Hindi ako makatulog kasi iniisip ko pa din yung lakad namin bukas ni Jeffrey.

Bakit may pa-labas-labas pa kami?! Talagang ci-nareer niya yung gagawin naming pagpapanggap noh?

Hindi pa 'ko pumayag tapos eto siya, nagpa-plano na.

First time kong lalabas na kami lang! Matitiis ko kayang makasama ng buong araw yun?

Gusto kong tumanggi!

Pero paano?!

Baka isumbong na talaga niya 'ko sa parents ko.

Ugh. Bahala na nga!

Dahil wala naman akong magawa, binuksan ko nalang ang laptop ko at nag log-in sa facebook.

Tingin-tingin muna sa notifications tsaka picture.

Biglang may nag pop-out na chat.

Jeffrey: Hoy! Matulog kana! 

Kara: Pake mo ba?

Jeffrey is typing...

Antagal mag-type!

Whatever. LOGOUT.

Bumaba ako ng kusina para uminom ng milk. Baka sakaling dalawin ako ng antok.

Binuksan ko na ang refrigerator at naghanap ng fresh milk.

"Nak..."

"Ay!"

"Mommy naman! Nakakagulat naman po kayo! Ba't gising pa po kayo?"

"Ako kayang dapat magtanong sa'yo niyan. Bakit gising ka pa?"

"Hindi po kasi ako inaantok e."

 

 

 "Baka masyado ka lang excited na lakad niyo ni Jeffrey bukas, nak."

"Mommy talaga!"

Gusto ko tuloy masuka dahil sa sinabi ni mommy. Bakit naman ako mae-excite kasama yun?!

"Sige na, nak. Matulog ka na."

Pagkatapos kong uminom ng milk, umakyat na din ako sa kwarto. Mukhang umepek naman ang gatas dahil nakatulog na 'ko kaagad.

Bahala na talaga si Batman bukas.

--------------------------------------------------

*to be continued

I Think I'm Falling (ongoing)Where stories live. Discover now