Chapter 36

95 0 2
                                    






KARA'S POV

Ilang araw na ang lumipas simula nung huli kong nakita si Jeffrey, nong tinapos na namin ang lahat sa pagitan namin. Ilang araw na nga ba? Isa, dalawa, tatlong araw, isang linggo? Dalawang linggo? Hindi na ako sigurado kasi pakiramdam ko, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Ang sakit sakit parin kasi, lalong mas masakit sa bawat araw na lumipas na naaalala ko yung nangyari.

"Kara, tulala ka na naman."

Kasama ko ngayon si Kean at Queenie, niyaya nila ako dito sa isang gig ng kaibigan ni Kean. Ayoko sana eh, gusto ko lang magmukmok buong araw pero naaawa ako sa sarili ko. Bakit ko ba pinaparusahan ang sarili ko sa taong hindi naman naging akin, hindi naman naging kami.

"Friend, ano ba kaseng nangyari? Hindi ka naman nagseshare sa amin. 'Wag mo kasing sarilihin yan, andito naman kami para sa'yo." Sabi ni Queenie habang nakahawak sa kamay ko, alalang-alala.

Gusto kong sabihin sa kanila pero sa tuwing iniisip ko, unti-unting dinudurog ang puso ko. Baka hindi na ako tumahan sa pag-iyak. Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganito eh. This is my first heartbreak.

Bago pa ako nakapagsalita, biglang kinanta ng vocalist ang favorite song ko ng MYMP.

I wanna tell you baby
That you're the one, I'm thinking of
But your heart is still with her
And I think she's the one that you love
I only want you happy
Even if it's not with me
Maybe one day
You'll open up your eyes and you'll see

That I think I'm falling
Maybe I'm falling for you
Yeah I think I'm falling
Baby I'm falling for you

Hindi ko na napigilang mapaluha, naman oh! Dati comfort song ko 'to pero ngayon pinapaiyak ako.

Bigla akong niyakap ni Kean, hindi ko na napigilang umiyak sa mga balikat niya.





KEAN'S POV

Habang nakayakap ako sa kanya, unti-unting dinudurog ang puso ko. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan. Bakit ba kasi hindi mo 'ko makita, Kara? Hinding-hindi mo mararanasan 'tong nararanasan mo ngayon. Ako nalang kase, nandito naman ako lagi sa tabi mo.

Gustong-gusto kong sabihin sa kanya kung anong nararamdaman ko pero ayokong isipin nya na nagte-take advantage ako sa sitwasyon niya.

Hindi nagtagal, umalis din siya sa balikat ko at dali daling pinunasan ang mga luha niya.

"Oh my god, nakakahiya. Sorry, Kean--"

Napahawak ako sa mga kamay niya, "Alam mo naman na pwede mo 'kong sandalan kahit kailan mo gusto, diba?"

Napangiti siya at tumango.

"Wag mong sarilihin, sabihin mo sa 'kin kung ano talaga ang nararamdaman mo." Nakita kong parang nagalinlangan siya. "Ganito nalang, paano kung siya ang kaharap mo ngayon, anong sasabihin mo sa kanya?"

Labag yun sa kalooban ko pero yun lang ang naisip kong paraan para sabihin niya kung ako man ang nakakapagpabagabag sa kanya.

"Ano ba 'ko sa'yo?" Tanong niya habang naluluha-luha pa 'rin.

"Hindi mo lang alam kung gaano ka halaga para sa 'kin, Kara." I meant every word I said.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Think I'm Falling (ongoing)Where stories live. Discover now