Chapter 34

75 1 2
                                    

34

Jeffrey Chua

Pumasok na ako sa kotse at nag drive na papuntang Bellisima Cafe.

Malapit lang 'yun dito. Mga 5-10 minutes, nandun na 'ko.

Sinadya ko lang sabihin na 20 minutes kasi balak ko pa sanang ihatid si Kara sa kanila.

Mga 7 minutes, nakarating na din ako.

Bumaba na ako ng kotse at nakita ko si Bianca na nakaupo sa may dulo kaya lumapit ako.

Nakatungo lang siya.

"Biancs?"

Napaangat ang ulo niya at agad siyang napayakap sa 'kin nang makita niya ako.

"Thanks for coming." sabi niya habang nakayakap sa 'kin.

I hugged her back at hinahaplos-haplos ko ang likod niya, "Tahan na."

Umupo na kami at nagsimula na siyang magkwento.

"I broke up with Jake. Ayoko na sa kanya. Masyado siyang possessive. Nakakasakal na siya!"

Pinaikot-ikot ko lang ang susi ng sasakyan sa mesa habang nagsasalita siya.

Walang nagpa process sa utak ko sa mga sinasabi niya dahil iniisip ko si Kara.

Nakauwi na kaya siya?

"Jeff, are you listening?"

"H-ha? Yes, Biancs. Go on."

"Mukhang pagod ka na. Uwi nalang tayo."

"Are you sure okay ka na?"

Tumango lang siya at ngumiti, "Andito ka na eh." sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

"Hatid na kita." pagyayaya ko sabay kalas sa pagkakahawak niya.

Hinatid ko na siya pauwi. Habang nasa ride kami, natutulog lang siya.

Bigla kong naalala si Kara. Antukin talaga kasi 'yun eh. Sana lang hindi nakatulog sa taxi 'yun. Eengot-engot pa naman din yun minsan.

Kinuha ko ang phone ko at tinext siya.

Are you home na?

Message sent.

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin siya nagrereply. Baka nga nakatulog na.

Tulog ka na? Good night. Sleep tight.

Message sent.

Maya-maya lang, nakarating na rin kami sa bahay ni Bianca.

"Bianca," sabay yugyog ko sa kanya.

Nagising naman siya kaagad.

"Thank you, Jeffrey."

Ngumiti ako, "Anytime. Good night."

Nagulat ako nang bigla niyang nilapit ang sarili niya sa 'kin at bago ko pa na realize, hinalikan na niya 'ko sa labi, "Bye. Good night."

_____________

*to be continued

I Think I'm Falling (ongoing)Where stories live. Discover now