Chapter 15

148 4 0
                                    

JEFFREY'S POV

 

"WAAAAAH! ANG SAYAAAA!" sigaw ni Kara.

"OO NGAAAA!"

Ang ingay naming dalawa!

Ang cute naman nitong katabi kong sumigaw. Talagang masaya na siya nito ha? Ganyan naman talaga kasi siya eh, hindi siya mahirap pangitiin at pasayahin. Sobrang appreciative pa :) Kahit minsan, ang babaw na ng kaligayan. Mabigyan lang ng isang bar na chocolate, tatalon na saya. Hahaha!

Nung una, nakokornihan pa akong sumakay sa ride na 'to pero dahil sa makulit si Kara, napapayag nalang ako. Ang bait nga sa 'kin ngayon eh! Ako lang naman ang pinalibre! Ang bait!

Pero ewan ko, parang natuwa pa ako. Hindi ko alam kung bakit.

Siguro dahil nagiging komportable na siya sa 'kin? Siguro dahil tumatawa at ngumingiti na siya sa 'kin?

Aish. Ginugulo nitong babaeng 'to ang isip ko eh.

Bigla kong hinawakan ang kamay niya.

Alam ko kasing kahit nagtatapang-tapangan 'yan eh takot pa din yan. Nag sign of the cross pa nga bago sumakay eh. Hahaha! Ang cute talaga! Ang lakas magyaya eh takot naman!

Pero bilib din ako sa kanya, kahit takot siya, sumakay pa din siya.

*dug dug dug dug*

"KARAAAAA!"

"ANOOOO??"

"KARAAAAAAAA!"

"ANOO NGAAA?!"

I Think I'm Falling (ongoing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن