Chapter 12

158 5 3
                                    

JEFFREY'S POV

Psh. Wala akong magawa dito sa classroom. 'Di kasi pumasok ang prof namin para sa last subject.

Boringggg.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng classroom. Maglalakad-lakad nalang siguro sa labas.

---

Antagal naman lumabas ng babaeng 'yon. Magfi-5 minutes na akong naghihintay dito sa labas ng classroom nila. Pinakaayaw ko pa naman sa lahat ang pinag-aantay ako. Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Eh sa dito ako dinala ng mga paa ko eh. 

"Kara, andyan si Jeffrey sa labas oh!" rinig kong sigaw ng isang kaklase niya.

Mabuti naman at may nakakita na sa 'kin dito sa labas.

"OMG! Is that Jeffrey Chua?"

"Siya nga! Anong ginagawa niya dito?"

"Is he waiting for me?"

"Ako ang hinihintay niya noh!"

"Jeffrey?" napalingon ako nang biglang may tumawag sa 'kin.

"Antagal mong lumabas. Pa-VIP ka masyado."

"Eh sino bang nagsabi sa'yong antayin mo 'ko? Tsaka anong ginagawa mo dito?" sunud-sunod niyang tanong na halatang nagulat na makita ako.

Bigla ko siyang hinawakan sa pulsuhan at hinila palabas ng classroom nila.

"Oy! Teka teka! Bakit mo 'ko hinihila?!" 

"Yeeeee!"

"Waaaah! Nakita niyo 'yun?"

"OMG! Sila ba?"

"Kyaaaah! Bagay!!!"

"Ouch! Wala na akong chance?"

Napakunot nalang ang noo ko sa mga narinig ko. Ang chi-chismosa talaga ng mga babaeng 'to.

Hinila ko ulit si Kara pero naka-stiff lang siya. Problema nito? Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakatungo lang siya.

I Think I'm Falling (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon