Chapter 30

70 1 0
                                    

Chapter 30


Kara Reyes



"Girl, kanina ka pa tingin ng tingin sa phone mo. Bakit ba kase?" tanong ni Queenie habang kumakain ng kwek-kwek niya.






"Ay for sure, iniintay ang text ng jelly ace niya." sabi ni Jimmy sabay tingin sa 'kin ng nanunukso.






"Oy, hindi ah!" sabay bitiw ko ng phone.






"Hindi raw. Sus."






"Sus." panggagaya ko kay Queenie. "Queenie, napapansin kong napapadalas na 'yang pagkain mo ng street foods ah?"






"Oo nga, Queen. Hindi maganda sa katawan 'yan." biglang sabat ni Kean na muntik ko ng makalimutan na present pala siya.






Ang tahimik na nito these past few days. Naninibago tuloy kami.






"Minsan lang naman noh." depensa ni Queenie, "Tsaka 'wag mong ipunta sa 'kin yung topic, Kara."






"Psh. Pero seryoso, nakita niyo ba siya today?"






Umiling lang sila Queenie at Jimmy.






"Nakita ko siya kanina." sabi ni Kean.






"Talaga? Saan? Kailan?" tanong ko naman.






"Sa parking lot pero kanina pa 'yun, mga 2PM pa siguro. Para ngang nagmamadaling umalis eh."






"Ganon ba?" matamlay kong sagot.






Bakit hindi man lang nagparamdam sa 'kin 'yung mokong na 'yun?






Ang ayaw ko sa ganito, nasasanay na ako na palagi ko siyang nakakausap at nakakasama. Palagi ko tuloy siyang hinahanap kapag wala siya.






"Uyyy, si Kara! Hinahanap si Papa Jeff!"






"Eeh, wala lang. Buong araw ko kasi siyang hindi nakikita dito sa school eh tapos hindi man lang nagpaparamdam."






"Bakit? Na-miss mo na 'ko?"






Nagulat ako nang biglang may bumulong sa tenga ko kaya napalingon ako agad.






Ooops! Wrong move!






Ngayon sobrang lapit na ng mga mukha namin.






*lub dub lub dub*






Agad naman akong umiwas, "Hindi rin."






"Asus! Isang deny mo pa, Kara ha, isa nalang talaga." -Queenie






"Miss Pakipot forever!" -Jimmy






Laglagan ba 'to, friends? 'Yung totoo?







"Naks! Na miss mo 'ko noh?" tanong niya habang nakatayo lang.






"Kapal."






"Oh, halika na!"






I Think I'm Falling (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon