Chapter 8

184 2 2
                                    

Sa mga may twitter diyan, follow niyo 'ko :)))) (ViarBucad) Thanks!

-------------------------------------------------------------

KARA'S POV

Hayyyy! Nakakainis talaga 'to si Jeffrey kahit kailan!

"Hoy, Kara! Hintay!"

Bahala ka sa buhay mo. Nagmadali akong maglakad papuntang...

Teka, saan nga ba kami papunta?

Ah, bahala na nga lang! Lakad lang, Kara. Lakad lang.

"Kara, watch out!!!!"

Huh? 

"OMG. Yung babae!"

"Tabi kayo!"

"Miss, tabi!"

Huh? Ano bang pinagsasabi ng mga---

Bigla ko nalang naramdaman na may humila sa 'kin ng pagkalakas-lakas...

at bigla nalang akong niyakap.

Parang biglang nag slow motion yung paligid ko.

"Kara, are you okay?"

Napatingin ako sa nagsalita, si Jeffrey.

Hinihingal pa siya habang nakayakap pa rin siya sa 'kin.

Punung-puno ng pag-aalala yung boses niya. 

O baka naman nag-a-assume na naman ako?

Tumango nalang ako.

"Hindi ka ba nasaktan?"

"H-hindi. Okay lang ako, Jeffrey."

Bakit ba ako bigla nauutal? Siguro kasi nabo-bother ako sa sobrang lapit ng mga mukha namin.

I Think I'm Falling (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon