Chapter 64

6.4K 275 210
                                    

Chapter 64: His Ways

#DittoDissonanceWP

Surprise! May update agad :) May group page ang ditto dissonance sa facebook, nasa message board ko ang link! sali na kayo :)

DON'T FORGET TO VOTE GUYSSS! THANK YOU AND ENJOY!

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Tahimik lang ako habang kumakain kami nina Leroy at Ashton. Wala akong karapatang malungkot ngayon dahil kasalanan ko naman 'to. Kung ano-anong ginawa ko kagabi. Kaya ko namang umakto nang maayos, kaso may tama na rin kasi ako ng alak kaya kahit alam ko ginagawa ko, hindi na ako nakapagiisip nang tama.

Napabuntonghininga ako. Ano kayang gagawin ko? Parang ayaw akong kausap ni Caiden. Hindi naman na ako dapat siguro nago-overthink, 'no?

"Bakit ang lalim ng paghinga mo, Zern?" Sabi ni Ashton na nasa tabi ko kaya napatingin ako sa kaniya.

Bahagya akong napasimangot. "Feel ko galit sa akin si Caiden. . . tinamaan kasi ako sa ininom namin kagabi. Kung ano-anong nasabi ko sa kaniya. Sinabi niyang inaaya siya ni Titus magsine ngayong araw na 'to, tapos kung ano-anong pinagsasasabi kong pang-asar sa kaniya. Hindi naman siya mukhang naasar, pero. . . ang nakakabwisit kong ginawa—iniwanan ko siya ro'n. Sumakay ako ng taxi bigla dahil akala ko susunod siya," sabi ko at muling humugot ng malalim na paghinga.

"Lasing ka na nga no'n, Zern," sabi ni Ashton.

"At saka baka kasi naging comfortable ka na masyado kay Caiden, kaya no'ng may tama ka na ng alak, mas lumabas 'yung kabaliwan mo," sabi ni Leroy.

Mas lalo akong napasimangot. "Pero kahit na, mali pa rin 'yung ginawa ko. . . natatakot akong baka ayaw na ako ni Caiden," sabi ko.

Mahinang natawa si Leroy. "Baliw. . . hindi 'yan. Ang babaw naman ni Caiden kung gano'n. Tingin mo gusto niyang nago-overthink ka?" Sabi ni Leroy.

Kinunotan ko ng noo si Leroy. "Bakit kanina sinasabi mo iwanan ko na si Caiden at maghanap na lang ako ng bagong lalaki?" Sabi ko.

Nagkatinginan sila ni Ashton. Napalunok si Leroy at awkward na tumawa. "Wala lang. . . trip ko lang sabihin. Masama bang magpayo?" Sabi ni Leroy.

"Nakakainis ka naman, Leroy. Nalulungkot na nga ako. Pinagti-trip-an mo pa ako. Porket ba first relationship ko 'to, pinagtatawanan mo na ako? Mukhang kasabwat mo pa si Ashton dahil nakita ko kayong nagtinginan," sabi ko.

Sinimangutan ko silang dalawa.

Maagap na umiling si Ashton. "Hindi, ah! Kung anuman 'yung sinabi ni Leroy sa 'yo, hindi ako kasali ro'n. Alam mo namang baliw 'yan si Leroy, kung ano-anong sinasabi," pagpapaliwanag niya.

Lumipat ang mga mata ko kay Leroy. "Grabe ka naman, Leroy. . . kaibigan mo ako. Hindi ko na nga alam gagawin ko dahil baka galit talaga si Caiden sa akin, tapos pinagti-trip-an mo pa ako," sabi ko at binalingan ang pagkain ko.

"Para ka kasing gago. . ." bulong ni Ashton kay Leroy.

Nag-angat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Ngumiti agad si Ashton sa akin.

"Pabayaan mo na 'yan si Leroy, Zern. Alam mo namang sobrang random niyan, e. 'Wag ka ng malungkot. . ." maamong sabi ni Ashton 'saka kinuha ang kamay ko para marahan 'yon pisil-pisilin.

"Sorry, Zern. Ang hyper ko kanina. Hindi kita naisip at kung ano-ano lang ang sinabi ko. Pero now. . . ang maa-advice ko sa 'yo, hintayin mo lang si Caiden. Feel ko naman kakausapin ka no'n. Baka nagpapahupa lang ng galit," sabi ni Leroy at ngumiti rin sa akin nang maamo.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant