Chapter 55

10K 374 436
                                    

Chapter 55: A New Happy Place

#DittoDissonanceWP

Enjoy! <3 Don't forget to vote! 

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Hindi gano'n katao ngayong shift ko kaya kung minsan ay nakigugulo ako kina Ashton. Gumagawa si Ashton ng activity, habang si Leroy ay nagre-render na ng logo namin. Nasabihan ko rin siya na pinaplanong gumawa ni Caiden mamaya pagkatapos ng shift namin. Baka mamaya na rin ako magsimulang mag-sketch.

Kung minsan din ay napapatingin ako sa kabilang store—sa Ginto's—kung kumusta naman kaya si Caiden. Hindi na siya maalis sa isip ko. Lalo na 'yung sinabi niya kanina bago kami naghiwalay.

Tangina lang talaga. He's into me? So, dapat na talaga akong mag-assume, 'no? Wala naman sigurong friends na gano'n, 'di ba? Totoo naman na 'to, 'di ba? Nag-kiss na nga rin kami. Nagtabi na kami matulog. May mga sweet gestures din siya. Yeah. . . oo nga, ito na nga 'yon.

This is my first time experiencing this. Wala pang lalaking gumawa sa akin nang ganito. Wala pang lalaking nagpa-feel sa akin na safe ako bukod kina Ashton. And so far. . . I'm liking it at hindi ako natatakot o kinakabahan sa magiging outcome nito.

Palagi kasing may constant assurance na binibigay sa akin si Caiden. Palagi niyang tinatanong kung ano 'yung nararamdaman ko at nagso-sorry agad siya kapag na-feel niyang hindi ako comfortable. He always cares.

Pero tao pa rin si Caiden, may mga flaws pa rin akong nakikita sa kaniya. Marami pa rin siyang fini-figure out talaga sa sarili niya, at alam kong tina-try niya ring mag-step out. To accept things as they are and what's not.

Overall, he's a good person. He has a nice family. He has an ambition. His friends are average but normal. He knows what respect is. And he knows how to make me smile—to make me happy.

For now, kahit may mga naliwanag na sa akin, ayaw ko pa rin i-overthink. I'll just accept things as they are. Hindi ko na gaano io-overanalyze para hindi ako ma-drain. Kung ano na lang ang mayroon ngayon, 'yon na lang. Naniniwala naman ako kay Caiden, at gano'n din ang paniniwala ko kina Ashton at Leroy.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Hinintay ako nina Ashton at Leroy hanggang sa matapos ang shift ko. Marami na ring natapos si Ashton na mga gagawin, at natapos na rin ni Leroy 'yung isang logo namin.

Umupo ako sa tabi ni Ashton 'saka sinuksok ang braso ko sa braso niya. Mahina siyang natawa nang tingnan ako, kaya ngumiti lang ako na parang baby.

"Mag-CR lang muna si Leroy tapos tara na raw," sabi ni Ashton.

Tumango ako bilang sagot.

"Okay ka lang, Ash? Okay ka na? Hindi ka na nalulungkot?" maamo kong tanong.

"Uh-hmm. Okay na ako. Nakausap ko na si Caiden. Nakausap niya rin pala si Leroy. Okay na ako ro'n. Ang wino-worry ko lang kasi, hindi ka niya mapahalagahan kagaya ng pagpapahalaga namin sa 'yo. Ayaw kong magmukhang territorial, pero gusto ka lang naming protektahan," sabi ni Ashton.

Sumandal ako sa balikat ni Ashton. "I know. . . naiintindihan ko kayo ni Leroy. Never kong na-feel na pinapangunahan ninyo ako. Nabibigatan lang din ako minsan. Kasi may care rin ako sa inyong dalawa. Ang mahalaga ngayon ay okay na kayo ni Caiden. He likes me. . ." sabi ko.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon