Chapter 26

8.8K 330 73
                                    

Chapter 26: Turning Ways

#DittoDissonanceWP

isang mahalagang chapter :P read ninyo mabuti kahit mahaba at intindihin nang mabuti. enjoy <3 

don't forget to vote, tysm! comment lang kayo if gusto ninyo ma-dedicate ^v^

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Malakas na umihip ang hangin paglabas namin ni Tita sa building. Natanaw ko na ang lalaki sa harap ng isang grey na Mitsubishi Xpander at mukhang 'yon ang tatay ni Caiden dahil matangkad 'yon at may foreign feature. Nakatingin siya sa amin. Kaagad nalipat ang gawi ko kay Tita nang humarap siya sa akin at huminto.

"Thank you, Zern, for helping me. Nag-usap na kami ng anak ko kanina. Nag-sorry na siya at maghahanap na raw siya ng trabaho. Pasensya ka na at kailangan mong makita ang pagiging imbyerna kong mother. Gano'n lang ako kay Caiden pero mahal ko 'yon. Pasaway lang talaga pero sumusunod naman kapag nakita na niya kung gaano ako kaseryoso. Minsan kasi nagpapakampi pa 'yon sa tatay niya dahil palaging pumapayag 'yong ama niya sa lahat ng gusto niya," sabi ni Tita.

Ngumiti naman ako. "Mabuti naman kung gano'n po. Pasensya na rin po ulit kung nakiusyoso po kami ng kaibigan ko. Nahiya po ako no'ng sinita ako nang pormal ni Caiden. Nagsinungaling din po ako no'ng sinabi ko pong hindi ko po siya kilala. Sorry po, Tita," sabi ko at nahihiyang nagkamot ng ulo.

"Naiintindihan ko naman, Zern. Sa inakto pa lang ni Caiden kanina, mukhang nagbabangayan kayong dalawa. Mabuti rin at ando'n ka, nakaisip ako ng parusa sa kaniya. Mahilig lang talagang magmura ang anak ko dahil sa influence ng mga kaibigan niya sa kaniya. Pero sobrang bait na bata ni Caiden noon. Nagkaroon lang siya ng problema at in-open niya 'yon sa father niya. Hindi na ako nakialam masyado. Kaya siguro, palaging sinusunod ng ama niya 'yung gusto niya kasi mas naiintindihan siya ng papa niya kaysa sa akin. Pero hindi ko naman puwedeng hayaan si Caiden dahil anak ko siya," sabi ni Tita at napabuntonghininga.

Now, mas nakikita ko na si Mama sa kaniya. Mas nakakatakot lang talaga itong nanay ni Caiden kaysa sa nanay ko. Pero. . . mabait na bata si Caiden at nagkaroon lang siya ng problema? Kaya ba basura 'yung ugali niya ngayon? Although, he's an adult now. He should probably know things more. Hindi na siguro excuse 'yung ignorance or 'yung problema niya para maging basura 'yung ugali niya sa akin.

"Kung anuman ang nagawa ni Caiden sa 'yo, pasensiya ka na. Siguro marami akong pagkukulang bilang nanay niya kaya siya naging gano'n. Baka hindi ko siya naprotektahan nang mabuti o naalagaan. I don't know. Mas maraming alam 'yung papa niya kaysa sa akin. Ako lang ang taga awat sa kanilang dalawa. Sana maging kaibigan mo si Caiden, Zern. Mukhang mabuting bata ka pero mukhang maloko rin. Parang 'yung anak ko lang. Pero mas panatag 'yung loob ko sa 'yo, Zern, kaysa sa mga kaibigan niyang lalaki. Hindi naman siguro masama 'di ba kung magkakaroon ng friend ang anak ko ng beklalush?" sabi ni Tita at ngumiti sa akin nang nakakaloko.

Napatakip ako sa bibig sa gulat at saka mahinang natawa. Nagulat ako! Putangina naman nito ni Tita. Ang seryoso ng mukha niya tapos biglang eeksena ng gano'n. Kung itulak ko kaya 'to si Tita sa gitna ng daan, chariz! Huy! Charing lang!

"Sorry, Tita. Pero hindi ko po kayang maging kaibigan si Caiden. Masyado po siyang maraming sinabi sa akin na masasamang salita. Hindi naman po ako nasaktan at mas nainis lang po ako. Hindi po kasi ako tinatratong basura ng pamilya at kaibigan ko, kaya hindi ko po matatanggap na may gagano'n sa akin kahit hindi wala naman akong ginagawang masama," sabi ko habang nakangiti.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon